Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Lloyd nakabuntis lang, makababalik pa rin sa showbiz
John Lloyd nakabuntis lang, makababalik pa rin sa showbiz

John Lloyd nakabuntis lang, makababalik pa rin sa showbiz

SA palagay lang namin, hindi pa handa sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na isapubliko kung ano man ang sitwasyon nila, kaya lahat ng pag-iwas ginagawa. Una, nag-abroad sila. Pagkatapos naman pati si John Lloyd yata umuwi na rin sa Cebu. Obvious namang magkasama sila ng kanyang syotang si Ellen. Hindi lang niya basta syota si Ellen, iyon din ang magiging nanay ng panganay niyang anak.

Marami ang patuloy na tinatakot si John Lloyd, na baka pagkatapos niyan ay wala na siyang babalikang career. Paano mo sasabihing walang babalikang career, eh kung iyong iba nga mas malala pa ang sitwasyong pinasukan nakabalik eh.

READ MORE:  Ate Vi, inaming matindi pa rin ang pressure para tumakbo sa ibang posisyon

Hindi ba makababalik na naman ngayon si JM de Guzman na kung ilang beses na ring nawala dahil nagpa-rehab? Si Mark Anthony Fernandez din, may project nang gagawin matapos ang isang taong pagkakakulong matapos mahulihan ng isang kilong marijuana sa Angeles City. Eh iyong Baron Geisler nga ang dami na ring kapalpakan pero nariyan pa rin. At ang masasabing pinaka-magandang example, si Robin Padilla na mahigit tatlong taon sa medium security prison sa Muntinlupa, nakabalik din. Kaya bakit nga ba sinasabi nilang hindi na makababalik si John Lloyd eh iyon naman ay self imposed vacation, dahil pagod na rin naman siya sa trabaho at kailangan nga niyang asikasuhin ang mga bagay na personal. Hindi siya nasabit sa droga. Hindi siya sabit sa kahit na anong krimen. Sabihin na nating may nabuntis siya, pero sa panahong ito ba naman ay kasiraan pa iyon?

READ MORE:  Marlo, miss na ang pagte-teleserye
READ MORE:  Mataray at mahusay na actress umaasa na lang sa libreng food at shopping

In fact nasa isang kawawang sitwasyon si John Lloyd dahil sa ngayon ay kailangan muna siyang umiwas sa publiko. Palagay namin hindi pa rin naman apektado ang kanyang popularidad pero malaki na ang nawawala sa dapat sanang kinikita niya kung nagtatrabaho siya. Pero gusto niyang magkaroon ng “self time” at karapatan niya iyon, Huwag muna ninyong asarin, hindi makatutulong iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved