Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday, nakatitiyak: Walang bahid ng pagka-bakla si Ryan
Juday, nakatitiyak: Walang bahid ng pagka-bakla si Ryan

Juday, nakatitiyak: Walang bahid ng pagka-bakla si Ryan

MASAYA at matindi ang tawanan nang tanungin si Judy Ann Santos kung umibig na ba ito sa bading sa presscon ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na showing sa January 17.

“Wala,” mabilis niyang sagot na  sabay tawa.

“Wala…wala at all,” sey pa niya.

Nagpalakpakan at nagtawanan ang movie press pati ang mga na nasa balcony ng Dolphy Theater.

READ MORE:  Arnell, na-miss ang pagho-host

“Baka..mas kami pa ang pinagnasaan,” lahad ni Juday.

Tinanong din si Juday kung paano kung madiskubre niyang bading ang mister niyang si Ryan Agoncillo?

“Parang matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensiya

“Kasi sa realidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?

“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really  no way out doon sa sitwasyon mo. Bago ka makawala, masasaktan ka muna,” lahad pa ng young superstar.

READ MORE:  Direk GB, idine-date si Ritz

So, wala kang nakikitang bahid kay Ryan?

“Walang-wala. Thanks God,” pakli pa niya na tumatawa.

Anyway, ang heartwarming at laugh-out-loud dramedy na Ang Dalawang Mrs. Reyes ay sa ilalim  ng direksiyon ni Jun Robles Lana. Ang pelikulang ito ay tungkol sa infidelity. Tampok din sa Ang Dalawang Mrs. Reyes sinaJoross Gamboa at JC De Vera. Ipalalabas ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 17.

READ MORE:  Liza Soberano nagdaan din sa pagiging extra sa GMA!

TALBOG!
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved