Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, nagpakasal sa QC
Kris, nagpakasal sa QC

Kris, nagpakasal sa QC

NAGULAT kami sa mga picture na nakuha namin kasunod pa ang tsikang nagpakasal si Kris Aquinosa Quezon City. Sa mga picture na nakita namin magkasama nga sina Kris at Quezon City MayorHerbert Bautista. Naroon din ang mga anak ng tinaguriang Queen of Online World and Social Media na sina Josh at Bimby.

Kaya ano pa nga ba ang iisipin mo? May kasalan ngang naganap.

Pero teka lang, hindi naman kasi nakasuot pangkasal si Kris. Kundi ang isa sa mga kasama nito sa picture, si Yaya Raquel na siyang bukod tanging nakaputi sa mga naroroon. Si Yaya Raquel ay yaya pala ni Bimby na pumalit sa kapatid nito at dating yaya rin ng bunso ni Kris na si Yaya Gerbel. (Nag-asawa na rin si Yaya Gerbel kaya napalitan). Ikinasal si Yaya Raquel kay Jun Aries Confesorkahapon ng tanghali sa Quezon City Hall.

Bale isa sa ninang si Tetay at si Bistek ang nagkasal kina Yaya Raquel at Jun.

Sinagot ni Kris ang pamasahe ng magulang ni Jun (groom) mula Bacolod para masaksihan at makadalo sa kasal ng kanilang anak. Pati  ang reception ng ikinasal na isinagawa sa Sweet Inspirasyon ay si Kris din ang sumagot.

READ MORE:  Coco, gamit ang puso at gut feel sa pagdidirehe

Kina Yaya Raquel at Jun, congratulations and best wishes.

OGIE, MULING
AARTE PAGKATAPOS
NG 2 CONCERT

NGAYONG taon ipagdiriwang ni Ogie Alcasid ang kanyang ika-30 anibersaryo kaya naman isa ito sa pinagkakaabalahan niya bukod pa sa #paMORE concert nila nina Martin Nievera, Eric Santos, at Regine Velasquez sa February 10, Sabado, 8:00p.m. sa Mall of Asia Arena.

Ani Ogie, natutuwa siya sa kasiglahan ng OPM. ”Ang dami-raming nagko-concert. Sana mas marami pang artists natin na magkaroon ng concert.

“This year is my 30th in showbusiness. I will have my major concert. Kaya ipinagdarasal ko na mairaos ko rin ang aking 30dito sa Pilipinas.

“Malaki ng pasasalamat ang gusto kong ibigay dahil 30 yrs. akong naging singer dito sa Pilipinas, isang malaking karangalan iyon para sa akin,” mahabang esplika ng actor/singer.

Ang#paMORE concert ay handog ng Starmedia Entertainment ni Anna Puno at ng I-Music Entertainment ni Cacai Mitra. Para sa tickets, mabibili ito sa SM Tickets (lahat ng sangay/online sawww.smtickets.com/4702222).

READ MORE:  Alden Richards, from Antok King to Postponed King

Samantala, may plano rin pa lang gumawa ng pelikula si Ogie na isasali sa Cinemalaya Independent Film Festival.

Ani Ogie, may offer sa kanya na gawin ang Kuya Wes,isa sa 10 finalists sa Cinemalaya 2018.

Hindi itinanggi ni Ogie na nagustuhan niya ‘yung script. ”I really loved it. It was something that I really wanted to do. Nakipag-meet ako sa writer and director at mayroon silang kinakailangang budget para sa film,” pagbabalita ni Ogie.

Sambit pa ng actor/singer, sinabi sa kanya ng director at writer ng Kuya Wes na siya ang nakikitang tamang gumanap sa naturang role.

Inilapit niya ang proyektong ito sa prodyuser ng Spring Films na sina Piolo Pascual at BinibiningJoyce Bernal at tila positibo ang reaksiyon ng mga ito.

Kaya after ng #paMORE concert at 30th concert, posibleng harapin naman ni Ogie ang pag-arte.

DEREK RAMSAY,
BONGGA ANG 2017,
AARANGKADA PA
NGAYONG 2018!

MASAYANG-MASAYA si Derek Ramsay dahil napakaganda ng pagtatapos ng taong 2017. Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festival dahil sa napakaganda niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado, ang All Of You mula Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions, at Planet Media.

READ MORE:  Julia, aminadong kinabahan sa ‘first time’ nila ni Coco

Kung ating matatandaan, hindi ito ang unang tropeong nakuha ni Derek sa MMFF. Una siyang ginawaran ng kaparehong award sa 2015 entry nila ni Jen na English Only, Please.

Tumabo pa sa takilya ang second movie nila together ni Jennylyn kaya naman sobrang suwerte talaga ng aktor.

Last year din naayos ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN kaya naman dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled Kasal kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino na ididirehe ni Ruel Bayani.

Bukod dito, magsasama rin silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.

At bilang endorser, umeere na ang bagong TV commercial niya ng Dunkin’ Donuts.

Hindi lang competent actor si Derek kundi box office attraction pa kaya mabentang-mabenta siya bilang lead actor ngayong 2018!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved