Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mateo Lorenzo, yayamaning BF/ suitor ni Erich?
Mateo Lorenzo, yayamaning BF/ suitor ni Erich?

Mateo Lorenzo, yayamaning BF/ suitor ni Erich?

TRULILI kaya na ang guwapo at yuppie businessman na si Mateo Lorenzo ang dumalaw kay Erich Gonzales habang nagsu-shoot ng Siargao?

Naikuwento kasi ni Toni Gonzaga-Soriano kay Kris Aquino na panatag ang loob niyang hindi totoo ang tsismis kina Erich at asawang si Paul Soriano dahil may dumadalaw sa aktres na sakay ng private plane.

May nag-tsika na ang lalaking sakay umano ng private plane ay si Lorenzo, tubong Davao at nagtapos sa Ateneo de Manila University ng kursong BS Management Engineering noong 2014 at tumutulong sa family business nila na Pancake House (siya ang modelo), Dencio’s, Terriyaki Boy, Sizzlin’ Pepper Steak, Kabisera ng Dencio’s, Le Coeur de France, Yellow Cab, at Chicken Rice Shop.

Isa rin sa nagmamay-ari ang pamilya Lorenzo ng kilalang Lapanday Foods Corporation na supplier/exporter ng Cavendish banana at Pineapples sa Asia Pacific at Middle East.

Galing sa malaking pamilya si Mateo dahil 12 silang magkakapatid, walong lalaki at apat na babae at lahat sila ay mahilig sa sports. Katunayan, Polo player ang binata kaya madalas siyang napagkikita sa Manila Polo Club, Makati City.

Kung hindi kami nagkakamali ay mas bata ng tatlong taon si Mateo kay Erich (27 years old).

Marami ang nakapansin kung bakit puro young businessman ang nagkakagusto kay Erich maliban kayDaniel Matsunaga, ”kasi tahimik siyang tao, hindi siya loud. So, nami-misteryosohan ang mga lalaki,”say sa amin ng taong marami ng karanasan sa pag-ibig.

Anyway, si Matteo nga kaya ang sinasabing lalaking nauugnay kay Erich? ‘Yan ang ating aalamin.

BEAUTY, AYAW
MUNANG MAG-WORK,
PAGSISILBIHAN MUNA
ANG ASAWA’T ANAK

SA loob ng siyam na buwang umere ang Pusong Ligaw, aminado si Beauty Gonzalez-Crisologo na gusto muna niyang magpahinga pagkatapos ng teleserye nila sa Biyernes, Enero 12.

Aniya, hindi muna siya tatanggap ng proyekto dahil gusto muna niyang bigyan ng panahon ang asawa’t anak.

Say ni Beauty sa ginanap na farewell presscon ng Pusong Ligaw”pahinga muna ako kasi isang taon din akong nagtrabaho. Ang dami ko nang utang sa asawa ko, so bayaran ko muna ‘yung utang ko sa asawa ko at sa anak ko na masungit. ‘Yun na muna ako, at saka bigyan ko muna ng panahon ang sarili ko.”

Buong pagmamalaking sinabi ng aktres na sobrang suwerte niya sa asawang si Norman dahil napaka-suportado nito sa career niya.

“Kaming dalawa pinapagaan namin ang situation namin. Norman is the best thing that ever happened to me. In every way, ‘yun na ang sagot ko.

“Pinapagaan niya talaga, he’s very supportive, he watched the show every day, he gives comments.

“Wala na akong ibang mahihiling, gusto ko lang hiling, 40 years with me. It’s not a secret na matanda siya sa akin. ‘Yun lang naman ang wish ko every New Year, every year na sana mas humaba pa ang buhay niya,” seryosong sabi ni Beauty.

At dahil matagal-tagal ding magbabakasyon si Beauty kasama ang asawa’t anak ay natanong siya kung may plano silang sundan ang panganay nila.

“Wala, siyempre, I mean not now, I can’t promise the next few year, ‘di ko mapa-promise na masasabi ko pa na no in three years, four years, but ngayon and the next year, ‘di talaga. One-year akong nagtrabaho so one year din akong ‘di nakita ng anak ko.

“Ang unfair naman na mabubuntis ako agad na ‘di siya maalagaan at saka pati asawa ko, kailangan ko ring bigyan ng panahon. Unfair naman kung buntis agad, ‘di ko man lang napagsilbihan ang asawa ko.

“Ayoko naman buntis ng buntis na ‘di ko nabibigyan ng oras ang sarili ko saka pamilya ko. Baka pagdating ng taon, baliw na ako, ‘di ba?

“Para rin ito sa sarili ko kasi how can you be a good mother if you’re not treating yourself good? How can you be a good wife kundi mo binibigyan ng panahon ang sarili mo? So, i-enjoy ko muna itong lahat. Kailagan ko munang alagaan ang sarili ko,” mahabang sabi ng aktres.

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Beauty sa pagtatapos ng Pusong Ligaw, masaya dahil makakasama na niya ulit ng mahabang oras ang mag-ama niya at malungkot dahil mami-miss niya ang mga katrabaho.

”Masaya ako na matatapos na rin. Ang pangit naman na i-extend nang i-extend ang istorya tapos ‘di na magiging ganoon kaganda, so okay na ring matapos ‘yung ‘Pusong Ligaw’. At the same time, malungkot kasi mami-miss ko ang mga katrabaho ko.

“Sobra naming saya sa set. Personally, sa akin okay lang to say goodbye, kasi we all know we’re okay sa set.

“Nakalulungkot, pero masaya ako na may ibang show na rin sila, masaya tayo na makakapagpahinga na tayong lahat,” say ni Tessa/Teri (karakter ni Beauty).

Nabanggit din ni Beauty na may nabuong pagkakaibigan sa kanila ni Bianca King bilang si Marga na mortal na kaaway ni Tessa/Teri (karakter ng una), ”we’ve been very close talaga kasi isang taon ka ba naman na nandito sa show. Happy ako kasi nagri-reach out kaming dalawa.

“It’s not siya ‘yung nag-reach out, or ako ang nag-reach out. Kaming dalawa talaga ang nag-reach out and it really shows in the show.

“At the same time, I’m happy to be her friend, kasi she’s been a good influence in my life, especially being healthy and taking care of oneself. Ano ‘yan, eh, healthy ‘yang si girl, eh. Happy ako ngayon that I lost weight. I looked tired because of work but I am happy now.”

Samantala, base sa teaser ng Pusong Ligaw, tinutukan ng baril ni Jaime (Raymond Bagatsing) si Marga (Bianca) at iisa ang tanong ng lahat, mamatay kaya ang mortal na kaaway ni Tessa/Teri (Beauty)? Anong mangyayari kina Potpot/Ira at Vida (Sofia Andres).

Abangan ang pagtatapos ng Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved