Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, may pa-block screening ng Siargao
Kris, may pa-block screening ng Siargao

Kris, may pa-block screening ng Siargao

FRIENDS are the  family you got to choose.” She’s tita Erich to my 2 & I’m her Ate Kris when we 1st visited after her heartbreak- she had the saddest eyes. Then the smile slowly returned. We waited for her to get home from her Japan trip & tomorrow- I’m proud to be able to host a screening of SIARGAO for our LOVE! Especially when it comes to my bunso, @erichgg has always been the sweetest & most responsible, we love her & are super HAPPY that GOD healed, restored, and now continues to give her SUCCESS! She’s proof- what FAITH can do & what a difference a year can really make.” Ito ang caption ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post kasama ang litrato ni Erich Gonzales.



Sobrang mahal ni Kris ang isa sa lead actress ng Siargao kaya naman bilang suporta ay may block screening ngayong hapon, 1:00 p.m. sa Ayala Malls The 30th na dadaluhan siyempre ni Erich at ilang kaibigan nito.

Sa pagkakatanda namin ay nagsimula ang closeness nina Kris at Erich noong 2014 dahil napapadalas na noon ang guesting ng huli sa programang Kris TV at nasubukan ang pagkakaibigan nila nang magka-aberya ang sinasakyan nilang bangkang de motor sa Palawan na isa sa episodes ng nasabing programa.

READ MORE:  Bea, na-conscious daw sa pagbakat ng bukol ni Derrick

Nang panahong iyon ay isa rin si Daniel Matsunaga sa guest at dito niya nakilala si Erich na noo’y tinutukso-tukso na ng Queen Of All Media noon na ngayo’y Queen of Online World at Social Media ang dalawa hanggang sa naging sila.

Pero siyempre, hiwalay na si Erich noon sa ex-boyfriend niyang Chinese businessman na ngayo’y si Arci Munoz na ang karelasyon.

Simula noon ay parati ng nagtatawagan at nagkukumustahan sina Kris at Erich at tanda namin maski wala sa bansa ang una ay dumadalaw ang huli sa bahay nito para dalawin sina Joshua at Bimby bagay na hinangaan ng sobra ng Queen of Online World at Social Media.

In return ay sinusuportahan ni Kris ang lahat ng projects ni Erich pati nga ang kalendaryo ng aktres ngayong taon para sa panglalaking inumin ay ipino-promote niya dahil nagpakita na talaga ng kaseksihan ang dalaga na makikita rin sa pelikulang Siargao na idinirehe ni Paul Soriano for Ten17 Productions.

Tama naman si Kris, si Erich ang ‘bunso’ niyang kapatid dahil ‘panganay’ niya si Kim Chiu na taong 2010 pa nagkakilala at nagsama sa teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo ng Dreamscape Entertainment.

READ MORE:  Richard, posibleng kunin ng Dos (Pero dedepende pa raw sa feedback ng tao at ratings)

Pero hindi naging sukatan kay Kris kung sino ang panganay at bunso dahil ang katwiran niya, “yung 2 (Kim at Erich) are really my FAVORITES. Kasi hindi sila nagbago at all. Na-maintain namin the friendship.”

Samantala, may Potato Corner at Nacho Bimby outlet din si Kris sa Ayala Malls The 30th na ayon sa kanya ay pang10 na niya.

KIM, DINALA
ANG PAMILYA
SA HK

AT para sa kaalaman ng lahat, nagkasama sina Kris Aquino at Kim Chiu, sa seryeng Kung Tayo’y Magkakalayo (2010) bilang mag-ina na hindi magkasundo dahil magkaiba ng pananaw sa buhay.

Puring-puri ni Kris si Kimmy (tawag kay Kim) noon dahil sa pagiging propesyonal nito, kuwento nga ng TV host noon sa programang The Buzz, “hindi biro ang matatapos ka sa trabaho or shooting ng 4 in the morning tapos magre-report na kailangan fresh na fresh ka at alive ang utak mo sa teleserye at 9:30 or 10 in the morning and then all the way ‘yan until the next day. Marunong siya talagang mag-alaga sa mga kapatid niya. Halos lahat napagtapos na niya ng college. She takes care of her grandmother and what I can see about her also is that she treats it like a job. That’s why the professionalism is there and that’s why you know she really has a long, long way to go.”

Kaya pati ups and down ni Kimmy sa love life ay saksi si Kris kaya nakiiyak din siya noong nahiwalay ang aktres kay Gerald Anderson na ngayon ay sobrang okay na sila at magkasama pa sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Sabi nga ni Kris, hindi nagbago ang friendship nila ni Kim maski nawala na siya sa Kapamilya Network at lagi ring dumadalaw ang huli sa ate Kris niya.

READ MORE:  Cristine, nag-iiba na ng image

Speaking of Kim, balik-Pilipinas na siya at sa bahay niya sa Quezon City niya sinalubong ang 2018 kasama ang tatay at mga kapatid, “let’s all welcome 2018 with a BIG smile and positivity!!! HAPPY 2018 everyone!!!! thankful for the gift of family!”

At nitong Martes, Enero 2 ay dinala niya ang pamilya sa HongKong na base sa litratong post niya sa IG account ay, “Family time well spent! First time to travel with my kuya and papa! First timer in hongkong @williamchiujr  ha ha and papa after 15 years! thank you @accesstravelph for fixing our trip! #mylife #myinspiration #GIFTofFamily.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved