Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JoshLia, tinalo ang lamig sa init ng yakapan
JoshLia, tinalo ang lamig sa init ng yakapan

JoshLia, tinalo ang lamig sa init ng yakapan

HAVEY ang larawan ni Joshua Garcia na naka-red jacket na nasa snow sa Niseko, Japan at may caption na ‘His creation’.

Pero mas nakakikilig ang magka-holding hands sina Joshua at Julia Barretto sa snow at may caption na, “Ringing in the ”Ringing in the new year with the person I shared the most magical moments with this year. Thankful for you.” Ang cute nilang tingnan.

May isang photo na kasama niya si Joshua at ang kanyang pamilya (Marjorie, Leon, Dani, Claudia) na ang caption ay, “My heart is full”.

Hindi rin nagpaawat si Joshua dahil makikita naman ang photo nila ni Julia na ang caption ay, “Happiness is a choice, and this is mine’.

Talo ang lamig ng snow sa mainit na pagmamahalan ng JoshLia.

Sobrang mahal nila ang isa’t isa kaya ang wish ng netizens, sana ay magtagal ang dalawa.

Ang suwerte ni Joshua dahil tanggap siya ni Marjorie Barretto na BF ni Julia. Pumapayag din ito na makasama nila sa bakasyon.

Sana ay mapanatili ni Joshua ang tiwalang ibinibigay ng parents ng young actress.

Boom!

POST NI NADINE
SA IG,
KINATUWAAN

“C’MON, guys. It’s 2018.

Ito ang mababasang post ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram wall na very familiar din sa sagot niya noon sa live-in issue nila ni Jame Reid na “C’mon, guys, it’s 2017″.

Mas post din siya na, “Leaving all the nega, fake, malarkey in 2017. If you’re one of them, bye FELICIA.”

Talbog!

KIMXI, HAPPY
SA BAKASYON
SA DENMARK
AT FINLAND

HABANG masayang nagbabakasyon sina Kim Chiu at Xian Lim sa Denmark at Finland, bitter naman ang mga basher sa social media. Sila ang maligalig at hindi happy sa KimXi.

READ MORE:  PakikipagLampungan ni Coleen sa movie, okey lang kay Billy

Pinagbibintangan tuloy na ilan doon ay Kimerald dahil gusto nila ay si Gerald Anderson pa rin ang kasama ni Kim.

Hello, may kanya-kanyang life na ang dalawa kahit magkasama sila sa isang serye. Balita nga rin na nagbakasyon din sina Gerald at Bea Alonzo sa US.

Big deal sa netizens kung BF-GF ba o BFF lang ang bakasyon nina Kim at Xian dahil wala pang direktang pag-amin sa dalawa.

Pero sagot naman ng isa, kung BFF lang, mas pipiliin mo bang makasama ito out of the country instead na family sa araw ng Pasko at New Year? Kung BFF lang ay puwede namang kumain lang sa labas.

May basher din na nagsabing pilit ang relasyon ng KimXi for the sake ng career nila at nagpapapansin.

Aba, kung gagawin ‘yan ng KimXi ‘di dapat noon pa at todo sweet sa mga post nila sa kanilang social media account.

“Ang expensive naman na pilitan na ‘yan. European vacay pilitan?,” pakli naman ng isang nagmamalasakit sa KimXi.

‘Wag magmaasim sa bakasyon nina Kim at Xian dahil minsan lang ‘yan at lagi silang pagod sa work nila. ‘Wag din makialam sa vacation nila dahil galing ‘yan sa pinagpaguran nila.

READ MORE:  Derek, ayaw magmaasim sa mga naging ex

Dapat happy na lang habang chill ang KimXi at walang ka-effort-effort.

“Kita ko ang sincerity ng love ng dalawa. Bakit ba hirap kayo maging happy for them?,” saad pa ng isang netizen.

Memorable ang bakasyon ng KimXi dahil after Denmark ay dumiretso sila sa Finland na tiningnan nila ang Northern Lights. Binisita rin nila si Santa Claus sa Santa Claus Village.

Pak!

JM AT MEG,
FRIEND LANG BA
O BF/GF NA?

BUMALIK ba ang malalim na relasyon nina JM de Guzman at Meg Imperial?

May kumalat na photo na nasa isang restoran sila bago mag-Pasko.

Noong December 11 ay nag-share si JM sa kanyang Facebook page na kumakain sa restoran kasama si Meg at ang  kapatid nito.

Bago pa nagkabalikan noon sina JM at Jessy Mendiola ay parang MU na sina JM at Meg. Nakikita pa sila noon na sabay na naggo-grocery at nagsisimba.

Lagi ring sinasabi noon ni Meg sa mga interview niya na nariyan lang siya palagi para kay JM . Nandiyan lang siya para suportahan na maka-recover ang actor.

Nag-text kami kay Meg para makakuha ng detalye sa sitwasyon nila ni JM pero wala siyang matinong sagot.

Pero ayon sa aming reliable source: “Parang kumain po sila. ‘Yun po.”

Sinundan namin ito ng tanong kung nagkabalikan na ba?

READ MORE:  Guesting ni Maine sa Ang Probinsiyano, inaabangan; Alden’s fans, nagngitngit

“Hindi naman po naging sila. Friendship lang po sila,” paglilinaw ng kausap namin.

Abangan na lang natin ngayong 2018 ang magaganap kina JM  at Meg!

May mga basher na rin na nagre-react sa social media na unahin muna  ni JM ang career bago ang lovelife.

‘Yun na!

MARVIN AT MARKKI,
MAGKASAMA RAW
SA OSAKA, JAPAN

MAKIKITA sa Twitter account ni Marvin Agustin na nagbakasyon siya sa Osaka, Japan kasama ang kanyang kambal.

May caption siyang, “I don’t have time to hate the people who hate me… coz I’m too busy to love the people who love me…”

Sa kanyang Instagram account naman ay may caption na, “Japan adventure begins now…kids first time. Happy holidays!”

Mukhang may hugot at makahulugan din ang isa pang tweet ng Kambal Karibal star na, “People can and will disappoint you. Even the ones you love. Expect little or even nothing from them but appreciate every kindness they show you. #happinesseveryday.” 

Basta masaya at ini-enjoy ni Marvin ang bakasyon niya.

Pero, iniintriga rin kung magkasama ba sila ng kanyang ‘good friend’ na si Markki Stroem.

Sa Instagram account kasi ni Markki ay makikita rin ang mga larawan na nagbabakasyon din ito sa Osaka, Japan.

Tsuk!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved