Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Lloyd ‘di nasira, kabi-kabila man ang kontrobersiya
John Lloyd ‘di nasira, kabi-kabila man ang kontrobersiya

John Lloyd ‘di nasira, kabi-kabila man ang kontrobersiya

MATAPANG ang post ni  John Lloyd Cruz at sinabi niyang, “2017, hindi mo ako nasira.”

Marami kasi ang nagsasabing nasira na si John Lloyd dahil ngayon nakabakasyon siya na suspended ang contract. Ibig sabihin, lumalakad man ang panahon, ang kontrata niya ay nananatili lang dahil naka-bakasyon nga siya. Nagsimula iyan nang mapasok siya sa isang kontrobersiyal na relasyon kay Ellen Adarna, na hanggang ngayon naman ay hindi pa nila inaamin officially.

Pero hindi man aminin officially, mukhang open naman sila sa sitwasyon nila ngayon. Nakikitang lagi silang magkasama. Mukhang kahalo na nga si John Lloyd sa pamilya ni Ellen. May mga lumabas pang balita na magkasama sila nang minsang magpa-pre natal check-up si Ellen, hindi man nila inaamin na buntis na nga siya at si John Lloyd ang tatay.

READ MORE:  Ritz, nakikipag-patalbugan kay Alice

Pero palagay namin, tama si John Lloyd. Hindi siya masisira sa mga ganyang usapan lamang, kahit na nga sabihin mo pang totoo. Naka-establish na siya bilang isang actor bago pa nangyari iyan. Ang inaasahan namin diyan, darating ang isang araw na aaminin nila ang lahat, at magsasabi si John Lloyd na babalikan na niya ang kanyang career, at palagay namin tanggap pa rin siya ng fans.

Iyang mga ganyang espekulasyon, ginawa rin nila kay Aga Muhlach noong araw, noong mabuntis niya si Janice de Belen. Marami ang nagsasabi noon, wasak na si Aga. Pero dahil kinikilala na nga siyang isang actor noong panahong bago nangyari iyon, nag-survive ang kanyang career. Kung iisipin mo pa nga mas umangat siya at mas sumikat pa pagkatapos ng usapang iyon.

READ MORE:  Kim Chiu, naiyak; Vice, pinasalamatan si Willie (ABS-CBN, kumamada ng 34 tropeo; GMA 12 lang)

Aba eh mas acceptable namang ‘di hamak iyong mga artistang lalaking mababalitang nakabuntis, kaysa naman doon sa mga nababalitang kabit ng mga bakla, o nakikipag-boyfriend na rin sa kapwa nila lalaki. Sige sabihin ninyo kung ano ang mas mabuting pakinggan, iyong nakabuntis o iyong bakla?

BALIK-EB  NI MAINE,
SINALUBONG
NG SANREKWANG POSTS

MAGANDA ang reaksiyon ng mga tao sa pagbabalik ni Maine Mendoza sa kanilang noontime show. Sinalubong agad siya ng mahigit na 100,000 social media posts, na lahat ay natutuwa sa kanyang pagbabalik. Walang duda na iyang pagbabalik ni Maine ay malaking boost sa kanilang show. Para na namang dinagukan ang kalaban nila.

READ MORE:  Julius Bergado, magpapakitang gilas sa first major concert sa Isetann Recto

Iyong sinasabi ng iba na nasira si Maine sa pagpapakatotoo niya, hindi naman nangyari. Mas marami pa nga ang humanga kay Maine dahil napanindigan niya kung ano ang gusto niyang mangyari.

Pero natawag ang aming pansin niyong social media post ni Maine mismo. Na sinabi niyang “na-miss ko talaga kayo mga kuya,” at kasama niya sa picture sina Jose, Wally, at Paulo. Wala siyang sinabing iba pang na-miss niya ha. Pero iyon ang talagang nasa loob niya eh, kaya ano nga ba ang pakialam ng kahit na sino? Hindi naman siya dapat pilitin.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved