Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Joanna, gustong gumawa ng teleserye
Joanna, gustong gumawa ng teleserye

Joanna, gustong gumawa ng teleserye

PINABULAANAN ng nanalong Best Actress na si Joanna Ampil sa nakaraang MMFF 2017 na gumanap bilang matandang dalaga sa pelikulang Ang Larawan na kaya napansin ang kanyang pag-arte ay dahil sa paggamit ng West End acting na natutuhan sa teatro sa London.

Nilinaw nito na walang pinagkaiba ang kanyang theater acting sa local acting sa pelikula.

Aniya, “There’s no difference between local acting and west end acting especially acting on screen as long as you’re truthful, it’s the same thing. You know, for me, there’s no difference. I supposed, it’s just supposed on whom you worked with and who trained you. Kaya, I’ve been lucky enough to work with some amazing directors in the past.”

Inamin ni Joanna na Ang Larawan ang kauna-unahang pelikulang nagawa niya kaya umaasa siyang makagagawa muli ng pelikula.

Aniya pa, magiging sobra ang kanyang kaligayahan kung may mag-aalok sa kanya ng isang drama serye.

Aniya, “I’m happy to do that. No worry, there will be no conflict because I’m happy to stay here. It doesn’t matter if ABS-CBN or GMA-7 will give the offer, I don’t know yet.”

(Alex Datu)

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved