Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Buhay ng 83-anyos lola sinagip ng Krystall products
Buhay ng 83-anyos lola sinagip ng Krystall products

Buhay ng 83-anyos lola sinagip ng Krystall products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Ako po si Sis Felida E. Pascual, taga-Impe­­rial South Meadows San Vicente, Sto. Tomas Batangas.

Ang ipapatotoo ko po ay tungkol sa paggamit ng lola Buena ko ng mga produktong Krystall. Gaya ng  Krystall Herball Oil, Krystall Yellow Tablet, Nature Herbs, Kidney Pills, Kidney Stone, at Fungus.

December 2014 po nang magkasakit ang lola ko, 83 years old na po siya. Masakit daw ang balakang niya at tiyan. Ang findings sa laboratory ay may bato sa bato at bato sa kidney. Sabi ko sa mga auntie ko, mas maganda mag-Krystall Herbal na lang si lola, pero sabi ng mga auntie ko, may gamot na raw si lola, reseta ng dra niya.

Gustong-gusto ko po na mapainom ng fungus si lola kaso hindi ko kayang suportahan kasi wala naman akong trabaho. Ang brother husband ko lang, kaya ang nabili ko lang na gamot ni lola ay isang bote ng Krystall para sa gall bladder stone. Hindi na nadagdagan. Dapat sana ay tuloy hanggang dalawang buwan sabi sa akin ng Herbalist sa Alabang branch.

March 2015, sinumpong uli ng sakit si lola, nanginginig daw po at nilalagnat, nag-text ang auntie ko. Ang sabi malala na si lola mo, isinugod sa ospital naka-confine. Ang findings lumaki ang mga bato at nagkabukol na pati sa atay, may dugo pa ang ihi (UTI). Tinanong ang auntie ko ng dra kung lahat ba ng anak ni lola ay nandito. Ang sabi ng auntie ko nasa Masbate po ang bunso, tatlo lang ang nandito.

READ MORE:  Feng shui aquarium wealth magnet

Ang ibig po sabihin ng dra wala nang pag asa. Kasi pain reliever na lang ang ibinigay kapag sinumpong ang sakit na nararamdaman ni lola. Ang (UTI) naman gumaling dahil tinurukan ng antibiotic. Pero ang bukol sa atay at mga bato, wala na raw gamot kasi matanda na si lola ‘di na raw kakayanin ng katawan ‘pag inopera.

Habang nasa ospital po si lola, nagdasal ako kay Yaweh El-Shaddai. Sabi ko, Lord pagalingin mo po ang lola ko. Dugtugan mo pa ang buhay niya. Kailangan ko na talagang makabili ng gamot na Krystall lalo na ang fungus dahil may bukol na ang atay ni lola, pero wala po akong pambili, hindi naman naniniwala ang mga auntie ko na malaki ang maitulong ng Krystall sa sakit ni lola.

READ MORE:  Kelot nagkunwaring mafia boss para sa libreng croissants

Naisipan kong manghiram ng pera sa pinsan kong seaman, at salamat sa Diyos, hindi siya nagdalawang isip, pinahiram ako ng P10k. Binili ko kaagad ng mga produktong Krystall sa Farmers Plaza Cubao at inihatid naming mag-asawa sa Bulacan dahil nandoon ang lola ko. Itinuro ko sa auntie ko ang lahat ng procedure ng pagpapainom kay lola ng gamot na Krystall at nasu-nod naman lahat, kaya after 24 hrs pa lang may pagbabago nang naramdaman si lola.

Nag-text ang auntie ko, nakadumi si lola 3x maitim daw at kusang paglabas hindi gaya noon na pinipilit pa para lang lumabas. Nabawasan na rin daw ang tigas ng tiyan ni lola. After 3 days po na pag-inom niya ng mga Krystall herbal products, may nakapa daw si lola na bato ng maghuhugas na siya pagkatapos dumumi. Hindi na raw masakit ang balakang niya, hindi na mahapdi ang balat niya kapag hinahaplos, pati paikot ng mata niya, dati daw masakit, normal na ang pagdumi niya.

Sabi pa ng auntie kong isa na nasa Masbate, hindi na raw bingi si lola ‘pag kausap sa cellphone. Dati raw sumisigaw na siya para lang marinig ni lola ang sinasabi niya.

READ MORE:  Etits gamit ni ‘Pricasso’ sa pagpipinta

Bumalik po ang lola ko sa dra niya noong April 2, dahil may schedule siya at nagtaka ang dra niya, magaling na raw. Kaya vitamin na lng ang inireseta sa kanya at December pa uli ang balik niya sa dra niya. Ngayon po nakakabiyahe na si lola, mula Bulacan papunta sa isa ko pang auntie sa Cavite.

Humanga po ang mga auntie ko sa mga gamot ng FGO. Mula noon naniwala na sila. Hanggang ngayon po umiinom pa rin si lola ng fungus. Binawasan na lang, dati 4 caps 3x a day, ngayon 2 caps na lang at umiinom na rin si lola ng Krystall Vit. B1-B6.

Maraming salamat po Sis Fely, nawa’y lalo pa kayong bigyan ng karunungan ni Yaweh El Shaddai na makatuklas ng mga gamot sa iba’t ibang karamdaman ng tao. Salamat din po at nadugtungan pa ang buhay ng lola ko salamat Yaweh El-Shaddai.

Amen.

Sumasainyo,
SIS FELIDA E. PASCUAL

COMMENTS

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved