Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Black and white opening ng Ang Panday, kahanga-hanga
Black and white opening ng Ang Panday, kahanga-hanga

Black and white opening ng Ang Panday, kahanga-hanga

NAMANGHA ang mga kapatid sa panulat sa magandang pagkakagawa ng Ang Panday na ang makabagong bersiyon nito’y si Rodel Nacienceno  (Coco Martin) ang nagdirehe.

Swak na swak ang script na ‘di lang mga bata kundi mga teenager, mommy, at daddy pati mga lolo at lola ang  tiyak na matutuwa sa pelikula at mag-eenjoy sa panonood.

READ MORE:  Fil-Canadian Kevin Poblacion, susubukan ang kapalaran sa showbiz

Panalo rin ang special effects ng movie, may puso at aral na matututuhan ang mga manonood kaya naman buong pamilya ay talagang nakangiti paglabas ng sinehan.

Maging ang mga beki at tomboy ay sasaludo at magpapasalamat kay Coco dahil binigyan sila ng importansiya sa kuwento ng pelikula.

READ MORE:  Cristine, wala nang babalikang career

Impressive ang black and white opening scene ng Ang Panday na pinalakpakan ng audience.

May special participation sa pelikula sina Jeric RavalJaclyn Jose, at Arjo Atayde at ang mga artista na malapit sa puso ni Coco.  Bukod pa kina Mariel De Leon, Kylie Verzosa, Gloria Romeo, Maccoy De Leon, Awra Briguela, Julio Diaz, Jaime Fabregas, Jake Cuenca, Agot Isidro, Albert Martinez, Eddie Garcia, Ejay Falcon, Jhong Hilario, John Medina, John Prats, Joonee Gamboa, Lester Llansang, Lito Lapid, Marc Solis atbp.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved