Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Edgar Allan Guzman kabogera sa kanyang gay character sa “Deadma Walking”
Edgar Allan Guzman kabogera sa kanyang gay character sa “Deadma Walking”

Edgar Allan Guzman kabogera sa kanyang gay character sa “Deadma Walking”

MARAMING beses nang gumanap na bading sa pelikula at telebisyon si Edgar Allan Guzman, pero tiyak na mas kaaaliwan sila ni Joross Gamboa ng manonood, sa “Deadma Walking” na isa sa walong official entries sa 43rd Metro Manila Film Festival.

Trailer palang ay very convincing na ang kabadingan ni Edgar. Ito ‘yung eksenang nagchichikahan sila sa loob ng sasakyan ni Joross. At aminado ang actor na kahit second choice lang siya sa role niya bilang Mark na unang inalok ng T Rex Entertainment kay Sam Milby ay nagandahan talaga si EA sa script ni Eric Cabahug.

“To be honest, ayokong tanggapin noong una kasi bading na naman ang role. Ilang beses na akong gumanap na beki at parang paulit-ulit na lang.

“Akala ko another ordinary gay role lang itong ibibigay sa akin, pero noong binasa ko ‘yung script, nagandahan ako at iba siya. Kaya umoo na ako at baka mapunta pa sa iba ‘yung role,” nakatawang sabi ni Edgar sa grand presscon ng movie nila.

Pareho silang bading ni Joross (John) at mag-bestfriend silang dalawa sa movie. Nagkaroon ng sakit dito si John at nataningan na ang buhay. Humingi si John ng tulong sa kanyang Bff na si Mark para pekein ang burol para marinig niya ang eulogy niya at sosyal!

Dumating sa kanyang burol sina Piolo Pascual at Gerald Anderson na parehong may cameo role sa Deadma Walking kasama sina Eugene Domingo at Iza Calzado. Kuwento ni Joross ay pareho na silang excited ni EA na sumakay sa float at ang pagkakaiba raw ngayon ay isa na siya sa bida sa movie hindi tulad noon na supporting star lang siya.

READ MORE:  Keanna Reeves kinababaliwan ng bagets (Sobrang maalaga kasi sa papa!)

“But this time po, iba, dahil kami ni EA ang bida rito at sasakay kami sa float na nakadamit babae. Kaya kami pong dalawa ni EA, gagawin namin ang lahat para mai-promote namin ang movie, dahil hindi po namin ito ikahihiya, much as hindi ko ikinahihiya na gumanap na beshie, kaming dalawa ni EA.

“Story po kasi ito ng friendship ng dalawang tao at kung paano sila sumuporta at naging loyal sa isa’t isa.

Samantala sa mga nakapanood ng press preview ng Deadma Walking, sa husay at galing ng dalawang bida ay puwede raw manalo ng best actor award alin man kina Joross at Edgar.

“Sa totoo lang, gusto kong manalo para sa Deadma Walking. Ang ganda kasi ng pagkakadirek dito sa akin ni Direk Julius Alfonso,” sey ni EA.

Ilan sa mga factor o edge ng movie, bukod sa Palanca awardee sa Literature ay graded A pa ito ng Cinema Evaluation Board(CEB).

Kasama rin sa cast si Dimples Romana na gumaganap na Ate ni Joross at marami pang iba. Ang Deadma Walking ay mapapanood na ngayong Disyembre 25 sa maraming sinehan sa buong bansa.

READ MORE:  Pakikipagbati ni Marian kay Bela, ‘di raw totoo?!

Abangan pala ang pagbisita nina Joross at Edgard sa mga salon para mag-promote ng kanilang very funny movie.

Movie with a heart para sa actress
DAWN ZULUETA SOBRANG NAG-ENJOY
SA MMFF MOVIE NILA NI BOSSING
VIC SOTTO NA “MEANT TO BEH”

OBYUS na nag-enjoy nang husto si Dawn Zulueta sa paggawa ng reunion movie nila ni Bossing Vic Sotto na “Meant To Beh.”

Ayon sa description ng magandang actress ay pelikulang may puso.

“It’s a movie with a heart.”

Kitang-kitang masaya si Dawn sa muli nilang pagtatambal ni Bossing Vic, na una niyang nakatambal noon sa “Okay Ka Fairy Ko” na isang fantasy at hit show noon sa GMA 7 at naging blockbuster ang movie versions.

“Pero rito, wala munang fantasy, ipapakita namin ang relasyon ng family, ang family’s life lessons and values,” sey ni Dawn.

“Muli akong nag-enjoy na kasama si Bossing, na-miss ko na siyang makatrabaho. Actually ganoon pa rin siya, hindi siya nagbabago. Hindi siya tumatanda at sabi ko, yummy pa rin siya. At sa set hindi kami nagugutom, laging maraming pagkain,” pagbibida niya sa kanyang leading man na komedyante.

Nang tanungin naman kung bakit niya tinanggap ang isang comedy movie e, sanay ang tao sa kanya sa drama.

“Natuwa nga ako nang i-offer sa akin itong  movie, sabi ko iba naman, dahil laging drama ang mga teleseryeng ginagawa ko, saka basta naman maganda ang project, drama o comedy man, tatanggapin ko.

READ MORE:  Male host, diring-diri sa mga faney

Lalo na nang malaman kong for the MMFF ito, hindi talaga ako tumanggi, na-miss ko na rin ang pagsakay sa float.”

Hindi pala naniniwala si Dawn sa competition sa iba pang entries. “Hindi ako affected ng competition. Kasi para sa akin naman, kaya nga it’s a festival, it’s for all of us to show kung ano ang naihanda natin para sa publiko,” katuwiran niya.

“Masaya kasi lahat ng mga kasama namin, magagaling din. Mga mahal ko rin iyan. Si Coco (Martin), si Vice (Ganda). Exciting din , kasi mukhang maganda rin ang ipakikita ng kanilang pelikula. Dapat panoorin lahat,” pag-iimbita ni Dawn sa lahat.

Bukod sa kanila ni Bossing, kasama rin sa Meant To Beh, ang cute at bibong si Baeby Baste, Andrea Torres, JC Santos, Daniel Matsunaga, Ruby Rodriguez, Sue Ramirez at ang love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.

May special partipation ang tatlong popular lolas na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros at ang loves ni Bossing na AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Si Direk Chris Martinez ang nagdirek nito at showing na in cinemas nationwide sa Dec. 25.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved