Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Standhardinger patuloy sa pagpapasiklab
Standhardinger  patuloy sa pagpapasiklab

Standhardinger patuloy sa pagpapasiklab

SA ika-apat na sunod na pagkakataon, binuhat muli ni Christian Standhardinger ang kanyang koponan na Hong Kong Eastern upang mapanatiling walang bahid ang kartada sa Asean Basketball League.  

Naglista ang Filipino-German na si Standhardinger ng all-around na numerong 18 puntos, 10 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks sa 81-77 panalo ng Hong Kong sa sariling homecourt ng Singapore Slingers sa OCBC Arena kamakalawa.  

Umangat sa 4-0 ang kartada ng nagdedepensang kampeon na Hong Kong.   

Ito ay matapos niya rin tabunan ang Mono Vampires sa halimaw na numerong 40 puntos, 17 rebounds af 5 steals.  

Ang patuloy na pagpapamalas ng angking galing ni Standhardinger ay siguradong sakit ng ulo sa mga karibal na ABL at gayondin sa PBA.  

Magugunitang si Standhardinger ay nakuha ng San Miguel bilang top overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft at inaasahang makakasama na sa koponan pagkatapos ng kontrata niya sa Hong Kong sa Marso.  

Makakapares niya ang four-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo para sa SMB na siyang namamayani ngayon sa PBA bunsod ng limang kampeonato sa nakalipas na tatlong taon.  

Nitong 19 Disyembre ay nagtarak ng 26 puntos, 14 rebounds, 2 assists af 2 steals si Standhardinger sa 92-89 panalo ng Hong Kong sa Alab.  

Inaasahang ganoong numero rin ang kanyang kakayurin sa una nilang home game kontra sa Alab pa rin sa darating na Miyerkoles. (JBU) 

COMMENTS
READ MORE:  Sports broadcasting legend Velez pumanaw na

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved