Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Malalaking star ng kapuso network, inabangan sa GMA christmas party
Malalaking star ng kapuso network,  inabangan sa GMA  christmas party

Malalaking star ng kapuso network, inabangan sa GMA christmas party

TULAD NG mga nagdaang taon ay Buena mano uli this year ang GMA sa pag-iimbita para sa kanilang taunang Christmas party para sa entertainment media.

Korean-themed ang pagtitipon na idinaos sa Studio 7 ng GMA Annex. For consistency, ang mga pagkain sa buffet ay Korean din (pasensiya na, pero hindi kami mahilig sa foreign cuisine).

As usual, pinanabikan ng mga dumalong press ang nakasanayan nang raffle. Maayos na sana ang pagsasagawa ng raffle, pero baba’t taas ang momentum nito. Sana’y may progression sa halaga ng cash na ibinabahagi sa mga masuwerteng pangalang nabubunot.

READ MORE:  Direk Paul, umaasang kikita ng P1-M ang Kid Kulafu

Kapansin-pansin din ang kawalan ng presensiya ng mga malalaking Kapuso star. Pinakamalaki na yatang maituturing na bituin who helped in the raffle draw was Andrea Torres.

Ang mga cash donors ay in-acknowledge na lang ang pangalan. No show sila ng gabing ‘yon.

READ MORE:  Jessy, nakipagsagutan sa mga basher

Naririnig namin ang mga kasamahan sa panulat na hinahanap ang mga ipinagmamalaking big name stars ng estasyon. Nasaan ang isang phenomenal na tambalan, ang “royal couple,” ang isang komedyana, ang isang TV host-actress, ang isang comedian, ang asawa ng isang politiko, at kung sino-sino pang bigating Kapuso star na hindi nagparamdam ng kanilang presence?

READ MORE:  Andre, excited sa pagdating ng kapatid sa ama

But overall, ramdam namin ang pag-uukol ng buong CorpComm ng GMA sa pangunguna ni AVP Ms. Angel Javier ng importansiya sa entertainment media.

Special mention ang staff na si Ms. Marian Domingo na lagi na’y may nakahandang ngiti at mainit na pagbati sa mga kahanay namin.

Dahil masidhi ang network war, for sure, hindi magpapakabog ang ABS-CBN whose media party ay inaabangan din.

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved