Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Derek, handang makipagtrabaho kay Angelica
Derek, handang makipagtrabaho kay Angelica

Derek, handang makipagtrabaho kay Angelica

TINANONG si Derek Ramsay sa presscon ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado na All Of You, isa sa official entries sa 2017 MMFF, kung payag ba siyang makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban ngayong magbabalik-ABS-CBN 2 na siya?

Ang sagot niya, “Of course. I’ve said that ever since. Angel is one of the best actresses out there. Biased man ang dating because she was my girlfriend, but she’s a brilliant actress. So ako, kung mabibigyan ako ng opportunity to work with her at maganda ang script, I’m most definitely…Muntik na kaming magkatrabaho before.”

DANIEL, WA KER
SA PAGPAPA-SEXY
NI ERICH

AYON kay Daniel Matsunaga, sa interview sa kanya ng Pep.ph, hindi pa n’yq nakikita ang daring sexy shots ng ex-girlfriend niyang si Erich Gonzales para sa alak.

READ MORE:  Sharon, nagmahal ng ‘di taga-showbiz

Nabalitaan niya lang  niya ang tungkol dito.

“I heard about it, yes. Wala akong reaction. What I had with her is past, eh, tapos na,” sabi ni Daniel

READ MORE:  Iza, tinawag na baboy at maitim (Dahil sa katabaan noon…)

Mula nang maghiwalay ay hindi na nagkaroon ng communication si Daniel kay Erich, pero masaya naman siya para sa dating karelasyon.

Yes naman. Actually, I have nothing to do with it anymore. I’m very happy with my love life now, with my blessing, with my family. ‘Yun lang ang importante sa akin ngayon, ayoko nang mag-focus sa past ko, done. What’s past is in the past, let’s just forget about it.  Moving on, present, future, my friends in the future.”

Wish lang ni Daniel  na maging magkaibigan din sila ni Erich na matulad sila kay Heart Evangelista, na noong naghiwalay ay nanatili pa rin  silang magkaibigan.

READ MORE:  Japan base singer Maricar Riesgo, ‘di issue ang pagpaparetoke

Kasama si Daniel sa pelikulang Meant To Beh, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. Isa rin ito sa walong entries sa 2017 MMFF.

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved