Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Biyuda utas sa tandem
Biyuda utas sa tandem

Biyuda utas sa tandem

BINAWIAN ng buhay ang isang biyuda maka­raan pagbabarilin ng ‘di kilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Luzviminda Turibio, 52, ng E. Ramos Drive, Deparo, ng lungsod, habang mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 11:00 pm, naglalakad ang biktima nang biglang pagbabarilin ng mga suspek sa Cabatuhan Road sa Brgy. 168.

Inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa krimen at responsable sa insidente.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top