Saturday , April 27 2024

Ina ng Eat Bulaga na si Ms. Malou Choa-Fagar SRO lagi ang birthday

SA dami ng showbiz friends, na nagmamahal sa Top Executive ng Tape Incorporated at Talent Manager (member ng PAMI) na si Ma’am Malou Choa-Fagar, na itinuturing na Mother of Eat Bulaga.

Taon-Taon tuwing nagse-celebrate ng kanyang birthday si Ma’am Malou ay dinaragsa talaga siya ng mga bisita na pawang ma­lapit sa kanyang puso.

And this year, ang venue ng celebration ng Senior Vice President at COO ng Tape (Ma’am Malou) ay sa sosyal na Valencia Events Place na pag-aari ng kaibigan rin ni­yang si Mother Lily Monteverde.

At isa sa nagpasaya kay Ma’am Malou na kumanta sa kanyang party ay si Direk Bobot Mortiz, kaduweto ang anak na si Camille.

Ilan sa mga dumating na malalaking stars sa party ay sina Tirso Cruz III, Ali Sotto, Maila Gumila, Roderick Paulate. Nasa tipar rin sina Bibeth Orteza, mister na si Carlitos Siguion Reyna and son Rafa, Lorna Tolentino and sons Ralph and Renz, Maricel Soriano, Laurice Guillen and daughter Ina with her Italian boyfriend, Gina Alajar, Amy Austria with husband Duke Ventura, Pip’s wife Lyn and daughter Djanin, talent managers Dolor Guevarra, ang balikbayan na si Shirley Kwan and Veanna Fores, banker Danny Dolor, Viva’s June Torrejon and Lawrence Tan, Anna Pingol of Yes Magazine, Allan Diones ng Pak.

Tunay ngang maraming nagmamahal kay Ma’am Malou, na kailanman ay hindi pinagbago ng panahon. Hindi lang ‘yan, unfading rin ang minamahal naming executive at wala sa itsura niya ang kanyang edad kahit nadagdagan pa ng ano­ther 1 year last November 12.

From all of us here at Hataw D’yaryo ng Ba­yan and HATAW online, belated happy, happy birthday to you my dear MCF.

EB BAES BAGAY
NA BAGAY MAGING
AMBAESSADORS
NG HEROES BARBERS

SUNOD-SUNOD ang blessings na dumarating sa Boy Group na The Baes. After mapasama sa launching movie ng lolas na “Trip Ubusan: Lolas vs. Zombies” sina Bae Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ay kasama ng iba pa nilang kagrupo na sina Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor at Joel Palencia.

Kinuha silang endorser JND Group of Companies para sa bago nilang business na Heroes Barbers Revolutionized Grooming. At ayon sa mga owner ng Heroes Barbers na nasa likod ng sikat na Nailandia Spa na sina Mr. & Mrs. Noreen and Jun Divina at Michelle and husband Edwin Bernardo pare-pareho sila ng choice na ang The Baes ang gawin nilang AmBaessadors ng Heroes Barbers dahil bukod sa popularity ng anim na miyembro ay taglay ng bawat isa ang guwapo look.

Malaki rin ang kompiyansa nila sa group na mapo-promote nila ang kanilang barber shop na target nila ay madagdagan nang mas marami pang branches. At dahil crowning glory ng lahat ang buhok ay naitanong sa The Baes ng ilang invited entertainment writers sa contract signing cum launching presscon sa Victorino’s Resto kung mga vain ba sila?

“Hindi po naman sa vain na kami, pero gusto po namin maging role model na maging maayos kami sa pagharap sa mga tao, lalo kung umaatend kami ng events tulad ng araw-araw kaming napapanood sa Eat Bulaga.”

Kay Bae Miggy naman sinabi ng dancer-actor na noong gupitan sila ng Heroes Barbers para sa kanilang photo shoot ay natuwa sila lahat ng mga ka-miyembro dahil maganda ‘yung gupit ng mga barbero. Actually may sarili daw stylist si Miggy pero sinubukan niya rito at maayos nga raw.

At dahil tunog hero ang pangalan ng ine-endosong barber shop sa kanilang pictorial lahat sila ay nagsuot ng hero costumes.

Ang Heroes Barbers ay may tatlong branches na matatagpuan sa San Pablo, Laguna; Fora, Tagaytay; Quintin Paredes, Binondo; at magbubukas na rin ang sariling branch ng presidente ng Triple A Management na si Sir Rams David na located naman sa E. Rodriguez corner Tomas Morato, Quezon City.

Bale franchised ito ng butihing manager ng The Baes, Marian Rivera at marami pang iba. Para sa mga nais mag-franchise, tawag lang sa 0995-5770628, 0915-1060888 at sa kanilang Landline sa (02)2824306 o kaya ay mag-email sa [email protected]

About Peter Ledesma

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *