Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Aso iniwasan trike nahulog sa tulay, driver patay
Aso iniwasan trike nahulog sa tulay, driver patay

Aso iniwasan trike nahulog sa tulay, driver patay

BINAWIAN ng buhay ang isang tricycle driver makaraan mahulog sa kinukumpuning tulay habang minamaneho ang kanyang tricycle sa Batangas, kamakalawa.

Ayon sa ulat, ang biktimang si Raymundo Cabral ay nahulog sa tulay kasama ng kanyang tricycle sa bayan ng Tuy.

READ MORE:  TRO sa Torre de Manila ihahain sa SC

Batay sa paunang imbestigasyon, iniwasan umano ni Cabral ang isang aso sa pakurbadang kalsada malapit sa tulay.

Ngunit dahil walang harang ang kinukumpuning bahagi ng tulay, tumuloy-tuloy ang tricycle hanggang nahulog ito.

READ MORE:  8 babaeng obrero nasunog sa kolorum na pabrika (Ikinandado ng among Intsik sa bodega)

Isinugod sa ospital si Cabral ngunit hindi na umabot nang buhay.

Sinisisi ng pamilya ni Cabral ang contractor na nagkukumpuni sa tulay dahil hindi naglagay ng harang.

READ MORE:  Celebrity doctor tinutugis ng NBI, PNP sa rape case

Pinag-aaralan ng pamilya ang pagsasampa ng kaso laban sa contractor, na wala pang pahayag tungkol sa insidente.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top