Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kano, 1 pa patay sa van vs bus sa Sorsogon
Kano, 1 pa patay sa van vs bus  sa Sorsogon

Kano, 1 pa patay sa van vs bus sa Sorsogon

PATAY ang isang Amerikano at isa pang lalaki makaraan bumangga ang isang Toyota Innova sa isang Elavil bus sa Brgy. Pinagbuhatan sa Sorsogon City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Terry Lee Woodliff, 60, at Rolando Belardo, 47-anyos

Binawian ng buhay ang mga biktima makaraan bumangga ang kanilang sasakyan sa isang bus sa nabanggit na barangay pasado 3:00 ng hapon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-U-turn ang Toyota Innova sa highway nang salpukin ito ng pampasaherong bus.

Ang Filipina wife ni Woodliff na si Analyn Esperrago, at kanilang anak na pasahero rin ng Toyota Innova, ay kritikal ang kondisyon.

Ang driver ng bus ay nasa kustodiya na ng pulisya.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved