Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)
4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)

4 bagets tiklo sa CCTV (Sa nakawan ng motorsiklo)

ARESTADO ang apat menor de-edad na itinuturong sangkot sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Pandi, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Chief Inspector Manuel de Vera, hepe ng Pandi Police, inaresto ang 15-anyos binatilyo, sinasabing pasimuno sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa naturang bayan.

READ MORE:  Panadero 3 pa muntik matusta (LPG sumabog)

Sa ulat, sinabing namukhaan ng isang concerned citizen sa CCTV footage ang pagtangay ng mga suspek sa isang motorsiklo sa Residence 1, Brgy. Mapulang Lupa, ng nabanggit na bayan.

READ MORE:  Parusa vs fireworks’ violators tiniyak ng PNP

Habang arestado rin ang menor de edad na suspek na nagbenta ng chop-chop na motorsiklo.

Kasunod nito, inaresto ang dalawa pang kasama sa pagnanakaw, na parehong 13-anyos.

Nabatid sa ulat, ang chop-chop na motorsiklo ay kabilang sa limang ninakaw ng grupo habang narekober ang apat na iba pa.

READ MORE:  Media binanatan ni Duterte (Biro sineryoso)

Na-inquest na ang mga menor-de-edad at nai-turn over sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved