Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P5-M shabu kompiskado sa 2 Nigerian
P5-M shabu kompiskado sa 2 Nigerian

P5-M shabu kompiskado sa 2 Nigerian

ARESTADO ang dalawang Nigerian national makaraan makompiska-han ng P5-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Cavite, nitong Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City.

Isang kilo ng hinihinalang shabu, P5 milyon ang halaga, ang naibenta ng dalawang suspek sa isang poseur buyer sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Camarines Sur, at Region 4-A, sa Centennial Road sa Kawit, Cavite.

ARESTADO sa buy – bust operation ng PDEA-ROV ang dalawang African drug syndicate na sina Solomon Lewi Anochiwa, 34-anyos, ng Kawit, Cavite, at Desmond Chima Ozoma, 35, ng Parañaque City na iprinisinta nina PDEA director DG Aaron Aquino at Deputy Director for Operations chief Ruel Lasala sa mga mamamahayag kahapon. Nakompiska ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon. ( ALEX MENDOZA )

Pinursige ng PDEA Camarines Sur ang pag-aresto sa dalawang Nigerian makaraan silang ikanta ng isa sa apat nahuli ng mga awtoridad na si Olivia Encinas sa isang buy-bust operation sa Almeda Highway, Naga City nitong 4 Nobyembre 2017.

Ayon umano kay Encinas, kabilang sina Anochiwa at Ozoma sa shabu suppliers na kanyang ibinebenta sa Bicol at Visayas region.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

DRUG COURIER
NABUKING
SA CHECKPOINT
KALABOSO

INARESTO ang isang hi-nihinalang drug courier makaraan makompiska-han ng shabu at P350,000 cash sa checkpoint na inilatag ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station (PS-5), kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Supt. Tomas Nuñez, hepe ng PS 5, kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang suspek na si Bernhard Gagarin, 37, tricycle driver, residente sa 6-B Tiburcio Extension, Brgy. Krus Na Ligas, Quezon City, inaresto dakong 8:40 am sa Bristol St., Brgy. Greater Lagro sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman, sinita ng mga operatiba sa checkpoint ang suspek na lulan ng motorsiklo dahil walang suot na helmet ngunit walang naipakitang dokumento ng motorsiklo ang driver.

Nang inspeksiyonin ang dalang bag ng suspek, nakita ang sachet ng shabu at P350,000 cash.

Sa imbestigasyon, ina-min ng suspek na siya ay isang drug courier at ang dalang pera ay bayad sa droga na nakatakda ni-yang i-remit sa isang alyas Anok.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tinukoy na si Anok.

Napag-alaman din ng pulisya na si Gagarin ay isang drug surrenderee sa Brgy. Krus na Ligas.

(ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved