Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 sugatan: 2 bakasyonista patay sa landslide sa Batangas resort

3 sugatan: 2 bakasyonista patay sa landslide sa Batangas resort

The port container used as improvised guest room at a Batangas resort lies on its side just beside the huge boulder that narrowly crushed it. Five people were trapped inside; two people died, while the three others were retrieved safely and treated for injuries. HANDOUT PHOTO, BATANGAS PNP

PATAY ang dalawang bakasyonista nang mabagsakan ng gumuhong lupa at bato ang kanilang tinutulugan sa isang resort sa Laiya, San Juan, Batangas, nitong Miyerkoles ng umaga.

READ MORE:  5-anyos ginahasa’t pinatay ng 13-anyos (Bangkay isinako)

Ang mga biktimang sina Maria Luisa Santos at Christopher Cruz ay naipit nang mabagsakan ng lupa at bato habang malakas ang buhos ng ulan.

READ MORE:  Soros-funded NGO sponsor ng UN event (Naglabas ng Leni video)
The green port container used as improvised guest room at a Batangas resort was crushed by a large rock. Three of the five people inside were retrieved safely and treated for injuries, but two died. HANDOUT PHOTO, BATANGAS PNP

Ayon sa mga awtoridad, natutulog ang mga biktima sa pansamantalang guest room na isang 20-foot container van nang mangyari ang landslide sa Kota Keluarga resorts.

READ MORE:  3 drug suspect itinumba ng vigilante

Isinugod ang mga biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Habang inoobserbahan sa ospital ang tatlo pang sugatan sa insidente, na hindi pa kilala.

The improvised guest room at the Kota Keluarga resort in San Juan, Batangas that was crushed by a boulder early Wednesday, Nov. 1, 2017. HANDOUT PHOTO, BATANGAS PNP

Una rito, nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa bagyong Ramil, partikular sa Northern Palawan, Calamian Group of Islands, Aklan, at Antique, na nakataas ang signal no. 1.

May babala rin ng posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved