Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco at Alyanna nagkita at nagkapaliwanagan sa “FPJ’s Ang Probinsyano”
Coco at Alyanna nagkita  at nagkapaliwanagan  sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

Coco at Alyanna nagkita at nagkapaliwanagan sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

PARA lalo siyang madikit sa alam niyang tunay na kalaban, sumama si Cardo (Coco Martin) sa grupo ni Alakdan (Jhong Hilario) na ngayo’y pinagkakatiwalaan siya. Gustong alamin ni Cardo, kung sino sa opisyales ng militar ang kontak ni Alakdan na nagbibigay ng malaking pera.

At sa episode noong Biyernes ay inutusan siya (Cardo) ni Alakdan na bumaba ng Maynila para makipagkita sa taong magbibigay sa kanya ng bomba na kaniyang ibibigay sa kalaban ng hindi niya alam kung sinong heneral (General Renato Hipolito).

READ MORE:  Alden Richards, nakatatanggap ng death threats!

Pero hindi na ito naiabot ni Cardo dahil nahuli siya ng Security guard at nakipagbuno siya para makatakas.

At sa kanyang paglalakad sa bahagi ng Maynila, nagtagpo ang landas nila ng misis na si Alyanna (Yassi Pressman) at doo’y kinausap siya nito sabay sabing magpaliwanag siya dahil hindi na niya naiintindihan kung bakit kailangan magtago ang mister nang matagal na panahon at sino ba ang babae (Lena, na ginagampanan ni Yam Concepcion) at batang kasama nito nang magkaroon ng encounter ang Pulang Araw na kinaaniban nito at ang grupo ng militar.

READ MORE:  Takbo ni Jimmy, tampok sa Duterte-Cayetano: Tunog ng Pagbabago concert

Ipinagtapat ni Cardo kay Alyanna ang lahat-lahat at naliwanagan na ang asawa at nangako siya rito na babalikan niya pagkatapos ng kanyang misyon kung sino talaga ang pumatay sa kanilang anak na si Ricky Boy (Al Vaughn Chier Tuliao).

READ MORE:  Jed Madela’s All Request sa Music Museum, ngayong gabi na!

Abangan ang kakaharapin pang madudugong eksena ni Cardo/Fernan sa FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida sa Kapamilya network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved