Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ivan, swak na pang-leading man
Ivan, swak na pang-leading man

Ivan, swak na pang-leading man

KUNG may Shy Carlos si Empoy Marquez sa The Barker na ipalalabas sa October 25, may Ivan Padilla naman ang leading lady nito sa phenomenal hit movie na Kita Kita, si Alessandra De Rossi na magkasama naman sa pelikulang12.
Si Ivan, Filipino-American Hollywood actor ay Germaine de Leon ang ginamit na screen name sa mga US television series na CSI at Dexter.
Una naming nakilala si Ivan nang mag-guest sa radio program namin sa Dzbb 594 Walang Siyesta ni Ms Lou Gopez at doo’y nakita na namin ang drive nito para maka-penetrate sa local showbusiness.
Taglay ni Ivan ang good looks, magandang tindig, at husay sa pag-arte na napanood namin sa kanyang mga TV series kaya naman swak na swak itong pang leading man.
Hangang sa napanood namin ito sa hit movie na 100 Tula Para Kay Stella bilang boyfriend ni Bela Padilla na maraming manonood ang nakapansin sa husay ni Ivan.
At ngayon ay leadingman na siya ni Alessandra sa 12 na hatid ng Viva Films mula sa direksiyon ni Dondon Santos at mapapanood na sa November 8 sa mga sinehan nationwide.

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved