Friday , September 19 2025
MMDA

MMDA magbibigay ng libreng sakay

MAGKAKALOOB ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ngayong araw.

Ayon kay Celine Pia-lago, tagapagsalita ng MMDA, magtatalaga sila ng 10 buses, trucks at ambulansiya sa mga lugar na apektado ng isasagawang trasport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON).

Dagdag ni Pialago, bukod sa libreng sakay ng MMDA, magtatalaga sila  ng mga rescue team sakaling may maganap na kaguluhan sa natu-rang strike.

Sa kabilang dako, si-nabi ni PISTON president George San Mateo, ito ang kanilang ikatlong nationwide transport strike bilang pagtutol sa planong jeepney modernization program na ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa naturang programa, ang pampasaherong jeep na may 15 taon na ay kailangan nang i-phase out.

Sa nakarating na report sa MMDA, bukod sa PISTON, makikiisa rin sa transport strike  ang i-lang militanteng grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at  No to Jeepney Phaseout Coalition.

Kaugnay nito, sinabi ni Pialago, inaasahan nilang hindi mapaparalisa ng tigil-pasada ang transportasyon sa Metro Manila.

“Tuwing nagkakaroon ng transport strike, ang laging assessment ng LTFRB ay hindi naman po nila napaparalisa ang transport sector or commuters nang ganoon kalaki kagaya nang inaasa-han nila,” ani Pialago.

Inirerespeto ni San Mateo ang naging paha-yag ni Pialago, sabay hirit na hindi dapat suspendehin ang klase sa mga eskuwelahan kung hindi apektado ang Metro Manila sa kanilang pagkilos.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *