Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ina ni Joshua, suspek sa pagkamatay ni Albert sa “The Good Son” (Tapatang Joshua-Jerome, mas tumitindi…)
Ina ni Joshua, suspek  sa pagkamatay ni Albert  sa “The Good Son” (Tapatang Joshua-Jerome, mas tumitindi…)

Ina ni Joshua, suspek sa pagkamatay ni Albert sa “The Good Son” (Tapatang Joshua-Jerome, mas tumitindi…)

MAS magiging palaisipan ang bawat gabi ng mga manonood ngayong madidiin ang ina ni Joseph (Joshua Garcia) na si Racquel (Mylene Dizon) sa kaso ng pagkamatay ng kanyang ama sa Kapamilya primetime series na “The Good Son.”
Isang dokumento ang nakuha ni SPO1 Colmenares (Michael Rivero) na nakalahad ang criminal records ni Racquel at nagpapakitang mayroon siyang taong pinagtangkaan ang buhay sa kanilang probinsiya. Dahil dito, madidiin siya bilang suspek at uungkatin ang kanyang nakaraan na maaaring magpatunay sa kaugnayan niya sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).
Mas sumisikip ang mundong ginagalawan nina Joseph at Enzo (Jerome Ponce) ngayong parte na sila ng iisang basketball team. Lalong uminit ang kanilang bangayan matapos pagbintangan ni Enzo si Joseph na sumira sa kanyang kotse, kaya naman mas maraming tao na ang humuhusga sa pagkatao niya.
Dahil sa kaguluhang dala ng pangalawang pamilya ni Victor, hindi titigil si Olivia (Eula Valdez) na maalis sila sa kanilang buhay at lalong patutunayang sila ang may sala sa pagkamatay ng asawa.
Si Racquel na nga ba ang hinahanap na suspek sa pagkamatay ni Victor? Paano malalabanan ni Joseph ang panghuhusga ng iba sa kanyang pagkatao? Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

COMMENTS
READ MORE:  Pagiging playboy ni James, pinaninindigan na

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved