Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JLC is a good man, I love and respect him — Direk Cathy
JLC is a good man, I love and respect him — Direk Cathy

JLC is a good man, I love and respect him — Direk Cathy

Samantala, hindi naiwasang hindi itanong kay direk Cathy si John Lloyd Cruz na ilang beses niyang nakatrabaho sa pelikula tulad ng Close To You (2006); One More Chance (2007); My Only You (2008); A Very Special Love (2008); You Changed My Life (2009); Miss You Like Crazy (2010); My Amnesia Girl (2010); Unofficially Yours (2012); It Takes A Man and A Woman(2013); A Second Chance (2015);  at Just The 3 of Us (2016).
“Well, everybody goes to something kumbaga if this is the path for him to learn, hayaan mo siya, malaking tao na siya,” saad niya.
Huling nagkausap sina direk Cathy at Lloydie, ”before these things came out tapos hindi na siya (kumontak). Ganoon ‘yun, eh, hindi siya nagpaparamdam. Mas nagpaparamdam siya kapag masaya siya, pero ‘pag may problema siya wala. I’d just texted him, pero hindi nag-reply. Hindi kasi ganoon ‘yun, eh.”
Wala namang nabiting proyekto sina direk Cathy at JLC dahil wala silang future project pa dahil bago magretiro ang una ay tatapusin muna niya ang pelikulang pagtatambalan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta; Enrique Gil at Liza Soberano. Maging sa serye ay wala ring naka-line up pa, depende kung matutuloy ang hinihiling ni Aga Muhlach na isang sitcom.
Going back to John Lloyd issue, naapektuhan din ba si direk Cathy since close silang dalawa?
“Hmm, ako kasi, normal na tao si Lloydie, he might be an actor, he might be sikat, but he’s human. Parang hindi niya karapatan, pero parte ng buhay niya na pagdaanan ang mga ito, matututo rin siya. And just like of us, ako nadapa, bumangon, hayaan mo siya,” say nito.
Binanggit namin na hindi na bago ang ginagawang ito ni John Lloyd dahil ginawa na rin niya ito noon, ”precisely, pero iba naman ito siguro. He’s a good friend, I’m sure may dahilan kung bakit nagkaganoon, and I’m sure he has the intelligence para ayusin at bumangon. 
“At the end of the day, John Lloyd is a good man, he’ll come around.  Tinext ko siya, sabi ko sa kanya, ‘Lloydie mahal kita’.
Nagsasawa na ba sa stardom ang actor? ”I don’t know, only John Lloyd can answer that. He has my love and respect, friendship. For as long as hindi siya tumatawag, ibig sabihin kaya niya.”
May kinalaman kaya ang pinagdaraanang iyon ni JLC sa hindi gaanong kumita ang pelikula nila ni Sarah Geronimo na Finally Found Someone kompara sa ibang past movies nila na si direk Cathy ang nag-direhe?
“Not at all, si Lloydie never considers ‘yung mga ganyan-ganyan (box office) na may kinalaman sa pagkatao niya. Walang kinalaman sa contract (renewal), hindi siya ganoon,” pagtatanggol sa aktor ng paborito nitong direktor.
O baka naman in love na ang binata kay Ellen Adarna? ”Siguro, hindi ko alam. Mahal ko ‘yun,” napangiting sabi ni direk Cathy.

COMMENTS
READ MORE:  Pagsuko ni Aljur Abrenica pinabulaanan ni Atty. Topacio (Abogado naglabas ng press statement)

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved