Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Intensity PC sa San Mateo (Rizal),  ayaw mag-isyu ng OR? Bakit?
Intensity PC sa San Mateo (Rizal),   ayaw mag-isyu ng OR? Bakit?

Intensity PC sa San Mateo (Rizal),  ayaw mag-isyu ng OR? Bakit?

TAX reform, isa sa isinusulong ng gobyernong Duterte hindi para gipitin ang mga negosyante kundi para sa mga proyekto o programang ilulunsad ng pamahalaan.
Naniniwala ang Palasyo na kapag makalusot ang tax reform sa Kongreso, malaki ang maitutulong nito sa magagandang plano ng pamahalaan.
Sang-ayon sa gobyerno, sa tax reform ang higit na makikinabang dito ay maliliit na mamamayan o manggagawa na sumasahod nang minimum. Nandiyan iyong planong hindi na bubuwisan ang minimum wage earners.
Ibig bang sabihin, ang tax reform ay magiging prehuwisyo sa malalaking establisiyemento? Maaari! Lamang ang problema pa rin dito ay mga pobre ang maaapektohan dahil ipapataw ng mga kompanya ang mataas na singil na buwis sa kanilang mga produkto. Wala rin pala!
Well, heto lang naman ay kung tama ang basa natin sa planong tax reform. 
Ano pa man, bago ang planong tax reform, naging seryoso na ang pamahalaan sa usapang buwis. Isa sa ehemplo nito ang Mighty Cigarette Company. Hindi lang milyon-milyong buwis ang hinabol sa kompanya kung hindi bilyon-bilyong “P37-B.”
Isa rin sa hinahabol ay si Lucio Tan, may-ari ng isang kilalang airplane at tobacco companies.
Ilan lamang ito sa malalaking kompanya na hinabol ng gobyerno. Siyempre, hindi rin nakalusot o lulusot sa kampanya ng BIR ang maliliit na negosyante.
Napag-usapan na rin lang ang bayaran sa buwis, isa ba sa pinagbabasehan ng bayaran ang iniisyung OR o official receipt sa kustomer, kaya may kampanya ang pamahalaan na huwag kalimutan manghingi ng resibo “OR” sa bawat transaksiyon?
Kung magkagayon, dapat sigurong silipin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Rizal Provincial Office o ng BIR Region 4A ang ilan establisiyemento sa kanilang nasasakupan. Mayroong mga hindi nagbibigay ng OR sa halip, service receipt o delivery receipt ang ibinibigay kahit na manghingi ka ng OR.
Ayaw kong husgahan ang INTENSITY PC SALES & REPAIR na matatagpuan sa #45 General Luna St., Unit B, Brgy Banaba, San Mateo, Rizal. Lalong ayaw ko rin sabihing mandaraya ang pamunuan nito dahil maaaring wala silang kinalaman sa estilo ng kanilang mga tauhan.
Suki na rin tayo sa nasabing computer store, ilan beses na rin tayong nagpagawa sa kanila. Wala naman problema sa kanilang serbisyo — maayos ang kanilang gawa. Lamang, ipinagtataka natin ay hindi sila nagbibigay ng OR kahit na manghingi ka pa. Ningingitian ka lamang ng mga kawani ng Intensity. 
Naku, naniniwala tayong walang kinalaman ang pamunuan ng Intensity sa estilong hindi pagbibigay ng OR ng kanilang mga tauhan. 
Huli nating ipinagawa rito ay isang printer, kamakailan lang. May pinalitan na piyesa. Nang iwan natin ang printer, ang charge daw sa papalitang piyesa ay P800. Naka-indicate naman ito sa inisyu nilang service report.
Pero nang tubusin ko ang printer at bayaran ang P800. Hayun, ayaw nilang magbigay ng OR. Sa halip, iyon na rin daw ang resibo — ang service report na may naka-indicate P800 kasabay ng pagngiti at pagtatak ng PAID Intensity PC stamp.
Hindi tayo nagpakilalang media practitioner — hindi naman kasi dapat na gamitin ang entitlement natin sa lahat ng bagay.
Dahil ayaw nilang magbigay talaga ng OR, biniro ko pa sila sa pagsasabing… paano na ang bayarang buwis? Ngiti pa rin ang ganti ng mga tauhan ng Intensity. Ibang klase ano? Basta ang sabi sa akin… ipakita ko lang ang service report sa kanila para sa warranty ng piyesa.
Ayos!
Sa pagkakaalam ko, mandatory ang pag-iis-yu ng OR. Kaya tayo’y nananawagan sa BIR na silipin ang Intensity. Tulad ng sinabi ko, naniniwala tayong hindi manloloko ang may-ari ng Intensity. Pero bakit ayaw ng kanilang mga tauhan magbigay ng OR?  Hindi kaya may itinatagong “raket”  ang mga tauhan nila kaya ayaw nilang mag-isyu ng OR? Nagtatanong lang po at hindi nag-aakusa.
Ang OR ang isa sa pinagbabasehan ng daily sales ng may-ari. Kaya lang, ba’t ayaw ng kanilang mga tauhan, mag-isyu ng OR?
Sa pamunuan ng Intensity, ba’t kaya ayaw ng mga “bata” ninyo magbigay ng OR? Wala rin naman siguro silang itinatagong ‘modus’ sa inyo? Uli, naniniwala tayong walang kinalaman sa hindi pag-iisyu ng OR ang pamunuan ng Intensity. Kaya, dapat din nilang silipin ang kanilang mga tauhan.
***
Para sa inyong reklamo, sumbong panig, at komento magtext o tawag lang sa 09194212599.

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved