Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Political will, kailangan vs mga anak ng jueteng
Political will, kailangan  vs mga anak ng jueteng

Political will, kailangan vs mga anak ng jueteng

MAGANDA ang layunin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para mapalaki ang kita sa pinalawak na Small Town Lottery (STL) ngunit tiyak mabibigo ang layunin kung may ilang tiwaling opisyal ng Philippine National Police (PNP) at lokal na opisyal na tumatanggap ng payola mula sa jueteng.

Mismong si PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz ang nagsabing mahigit 30 porsiyentong potensiyal na kita ng STL ang nawawala dahil sa kangaroo jueteng na nakaaapekto sa dapat i-remit ng Authorized Agent Corporations (AACs).

Ngunit isang malaking problema ng PCSO na kabilang sa AACs ay kilalang gambling lords kaya sila rin ang nagpapatakbo ng jueteng. Pangunahing halimbawa sina Guiguinto, Bulacan Mayor Ambrosio  Cruz; Pampanga Gov. Lilia Pineda na asawa ng kilalang gambling lord na si Bong Pineda at Ilocos Sur Governor Ryan Singson na anak naman ng kilalang jueteng lord na si dating gobernador Luis “Chavit” Singson.