Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mt. Banoy binomba ng AFP (Mining operations protektado)
Mt. Banoy binomba ng AFP (Mining operations protektado)

Mt. Banoy binomba ng AFP (Mining operations protektado)



KINONDENA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang walang habas na pagbabagsak ng bomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa New People’s Army (NPA) sa mga barangay sa paligid ng Mt. Banoy sa Batangas City.

Sa kalatas ng CPP, inihayag na ang “indiscriminate aerial bombardment” sa paligid ng Mt. Banoy ay nagdulot ng malawakang paglikas ng mga residente mula sa kanilang mga tahanan.

Anang CPP, ang masang magbubukid sa paligid ng Mt. Banoy ay mahigpit na tinututulan ang mining operations at ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupa at kalikasan.

READ MORE:  Ginang itinumba sa harap ng pamilya (Sumuko bilang drug personality)

Mula noong Linggo ay ibinubuhos ng militar ang kanilang puwersa, “air, land and sea,” at ng pulisya, para tugisin ang isang pangkat ng NPA na naka-enkuwentro sa Batangas City, may 94 kilometro ang layo sa Metro Manila.

READ MORE:  2 killer ng couple tiklo

Samantala, sa isa pang statement ay binansagan ng CPP si Pangulong Rodrigo Duterte bilang numero unong recruiter ng NPA dahil  sa iwinawasiwas na walang humpay na mga giyera na nagtutulak sa mga mamamayan sa landas tungo sa rebolusyonaryong armadong pakikibaka.

Sa harap anila ng lumalakas na pagtutol ng publiko at tumitinding desperasyon ni Duterte na supilin ang kilusang protesta, ang martial law pa rin ang isa sa pangunahing baraha niya sa kanyang pagsusugal para mangunyapit sa kapangyarihan at ipagpatuloy ang umano’y ‘tyrannical rule’ hanggang 2025.

READ MORE:  Flexible working time ipatutupad ng MMDA (Sa gov’t employees)

“Doing so, however, will definitely boomerang on him as this will sooner than later incite ever bigger protest actions. Moreover, considering the fractiousness of the AFP and PNP, a declaration of martial law is sure to provoke his rival reactionaries inside and outside the military and police to mount a coup,” pahayag ng CPP.

ni ROSE NOVENARIO



COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved