Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di natitinag; Action-fantaserye ni Marian, pinulbos
FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di natitinag; Action-fantaserye ni Marian, pinulbos

FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di natitinag; Action-fantaserye ni Marian, pinulbos

HINDI pa rin matinag sa unang puwesto ang action drama series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi rin ito matalo ng mga nakakatapat na show.

Sa kasalukuyan, pinakakain ng alikabok ng FPJAP ang action-fantasy-drama series ni Marian Rivera, ang Super Maám na nag-pilot noong Setyembre 18 dahil nananatiling pinakapinanonood na programa sa bansa ang serye ni Coco na patuloy na naghahatid ng maaaksiyong eksena sa mga manonood.

Noong Setyembre 18, Lunes, agad na pinadapa ang Super Ma’am na mayroon lamang national TV rating na 18.7 percent laban sa 43.2% ng FPJAP, ayon sa datos ng Kantar Media.

Kinapitan din ang mga kaganapan sa Ang Probinyano hanggang Martes (Sept. 19) sa pagtala nito ng 43% kompara sa katapat na mayroon lamang 17.9%.

Noong Miyerkoles, Setyembre 20, mayroong 43 percent sa nationwide at 47.4 percent sa Rural ang FPJAP laban sa 17.9 percent (nationwide) at 16.9 percent (Rural) ng Super Ma’am.

Kahit noong Huwebes ng gabi, hindi pa rin nakaalagwa ang serye ni Marian dahil mayroong 41.9 percent rating ang FPJAP. Patunay na walang binatbat ang action-fantasy series ng tinaguriang Kapuso Primetime Queen.

Maging ang drama action series ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood ay hindi rin makaporma sa mga bampira at lobo. Hindi pa rin nito matalo-talo ang La Luna Sangre nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil mayroon itong national TV rating na 34.2% samantalang ang Alyas Robin Hood ay mayroon lamang 14.5%.

READ MORE:  Negosyo nina Joshua at Bimby, maganda ang takbo

Maging ang A Love to Last ay hindi nagupo ng My Korean Jagiya na mayroong 22.4% ang romantic family drama series samantalang mayroon lamang 10.6% ang serye ni Heart Evangelista.

Hindi rin nagpakabog ang Ikaw Lang ang Iibigin sa timeslot nito nay mayroong 17.5% rating samantalang ang katapat na Trops ay mayroon lamang 7%.

Robi, wala pa
sa mood
makipag-date

HINDI itinanggi ni Robi Domingo na hindi pa siya handa na muling magmahal pagkatapos nilang magkasira ng mahigit tatlong taong GF na si Gretchen Ho.

Ani Robi nang makausap namin pagkatapos niyang mag-host sa Sun Life Financial Philippines na inilunsad ang Sunpiology Duo ni Piolo Pascual, wala pa siya sa mood para makipag-date sa ibang babae.

Madalas pala siyang i-set-up ng date ng mga kaibigan subalit hindi siya interesado.

Aminado kasi ang magaling na host na hindi pa siya handang magmahal muli. “Not yet and that’s true! Ah, I need space pa na hindi ko alam kung anong nangyari, siguro sobrang nangyari before or walang nangyari ngayon kaya hindi ako makapag-decide kung ano ang gagawin ko sa buhay muna,” sambit pa ng binata.

Nag-uusap naman sila kaya hindi niya inaalis ang posibilidad na magkabalikan sila.

“On my end, I think so. My doors are not closed for anything pero ngayon siguro I’m just sticking to the right side of things right now, ‘yung tama kasi if I decide depende sa feeling ko lang. Kunwari ngayon feeling ko, siya na babalikan ko, ito na ‘yun kasi I’m 28 na at siya 27 na, so bawal nang magkamali,” paliwanag pa ni Robi.

READ MORE:  Maine-Alden, burado na sa pag-entra ni Janine

Samantala, kasabay ng ika-9 taon ng Sun Life Financial Philippines, ang paglulunsad ng bago nilang proyekto, ang Sunpiology Duo na bukod sa Resolution Run ay idaragdag ang Sun Life Cycle.

Ibig saibhin, hindi lang ang pagtakbo ang iki-cater ng Sunpiology Run ngayon, kundi kasama na ang mga siklista na pinahahalagahan ang mga tulong nito sa kalusugan ng bawat Pinoy.

“We recognize cycling’s growing popularity in the Philippines and this is our share in helping and encourage more people to get into the sport.  Just as it is in our fun run.  Sun Life Cycle PH will cater to different ages and will offer different categories,” anang Chief Marketing Officer ng Sun Life na si Ms. Mylene Lopa.

Kasama dito ang mga batang 2 years old na puwedeng sumali sa Sun Life Cycle para makasanayan nila ang benepisyo ng ehersisyo kaysa magbabad sa mga gadget na pinagsisimulan ng kung ano-anong sakit.

May pitong kategorya ang Sun Life Cycle; ang Tricycle Ride 100 meters para sa mga batang 2-3 taon; Kid’s Ride 500 meters para sa 4-5 taon; Family Ride 30 minutes para sa 6-15 taon na may kasamang adult; Solo Ride 30 minutes 6-15 taon; Short Distance Ride 20km para sa 10 years old pataas; at Long Distance Ride 40km para sa 10 years old at pataas.

READ MORE:  Rcrew4U, tinilian sa mall show ni Nash guas

May Charity Category rin na tinatawag, ang Bid2Bike na tiyak ikatutuwa ng fans dahil puwede nilang sabayan ang mga artista sa pagbibisikleta na may kasama pang photo souvenir at autograph signing ang mga idolong sina Gerald Anderson, Inigo Pascual, Matteo Guidicelli, at Piolo Pascual at iba pang Star Magic talents na kasali rin.

May special participation din ang Australian professional road bicycle racer na si Robbie McEwen.

Gaganapin ang Sun Life Cycle PH sa Bonifacio Global City, Taguig sa Nobyembre 18 at ang Sun Life Resolution Run ay magaganap sa Enero 20, 2018 na ang mga kategorya ay 3K, 5K, at 10K na tinawag na Run Rio.

Vhong, ipinagpasalamat
ang pagkakabasura
ng kasong rape

SA pamamagitan ng manager ni Vhong Navarro na si Chito Rono, ipinahayag ni Vhong Navarro pagpapasalamat sa pagkaka-dismiss ng rape at attempted rape na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Matatandaang taong 2014 nang sampahan ng kaso ni Deniece si Vhong.

Sa mensaheng ipinadala ni Rono sa pamamagitan ni ABS-CBN News’ Mario Dumaual, sinabi nitong “grateful” at “overwhelmed” ang actor sa court’s resolution.

“Vhong Navarro is grateful and overwhelmed by (the) DOJ decision dismissing rape charges against him,” sambit ni Roño.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio





COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved