Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sofia, humagulgol nang sikuhin ni Diego
Sofia, humagulgol nang sikuhin ni Diego

Sofia, humagulgol nang sikuhin ni Diego

GAANO katotoo ang nasagap naming balita na humagulgol ng iyak ang mabait na teen actress na si Sofia Andres sa isang event na kasama ang  ka-loveteam na si Diego Loyzaga?

Ang siste, tinangka ng teen actress na mag-selfie sila ni Diego pero imbes nga na pagbigyan ni Diego ay siniko nito ang dalaga sa harap ng kanilang fans na ikinagulat ni Sofia. Sabay dialogue na pagalit ni Diego ng, ”Ano ginagawa mo? ‘Di ba ayaw mo na sa akin?” sabay siko.

At dahil nasaktan ito at napahiya ay tumakbo ang dalaga na umiiyak habang tinitingnan lang ni Diego.

Maaalalang kumalat ang balitang break na sina Sofia at Diego kaya naman ganoon na lang ang treatment ni Diego sa teen actress. 

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved