Friday , April 26 2024

Xian, Nakatatlo na!

NAKUHA ni Xian Lim ang ikatatlong tropeo para sa mahusay na pagganap sa pelikulang Everything About Her. Bago ito ay nauna na  ang1st GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) Awards at ang 15th Gawad Tanglaw. At ang ikatlo ay ang katatapos na 33rd Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Resorts World Manila, noong Linggo. Tinalo nito sa Best Supporting Actor category sina Christian Bables  (Die Beautiful), Paolo Ballesteros (Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend?), John Lloyd Cruz (Ang Babaeng Humayo), Ricky Davao (Dukot), Christopher De Leon (The Escort), Bembol Roco (Ringgo, The Dog Shooter), at Joel Torre (Tisay).

Ayon kay Xian, ”Thank you, maraming salamat, it’s such an honor, PMPC, grabe!

“Sobrang saya, hindi ko alam, I don’t have any words. Noong nasa stage ako, kinabahan ako ng sobra. I’m just lost for words.

“This is such an honor. Sabi ko nga kanina, it was unexpected for me when I started ‘Everything About Her’, now nandito na ako, I received an award. So, maraming-maraming salamat,” pagtatapos ni Xian.

Daniel sa pagtanggap
ng Best Actor award:
Hindi ibig sabihin
magaling na ako

IBINAHAGI ni Daniel Padilla ang kauna-unahang Best Actor award sa kanyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Part ng speech ni Daniel, ”Kumbaga sa boxing, si Kathryn ang sparring partner ko para marating ang ganitong tagumpay.

“Hindi ibig sabihin ng award na ito na magaling ako. Ibig sabihin nito na marami pa akong kakaining bigas para galingan ko pa.”

Nag-iisa rin nitong tinanggap ang tropeo nila ni Kathryn para sa Movie Love Team of the Year.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *