Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marlo, may pa-concert para sa inang may cancer
Marlo, may pa-concert para sa inang may cancer

Marlo, may pa-concert para sa inang may cancer

MAGKAKAROON ng konsiyerto ang Kapamilya star na si Marlo Mortel sa October 13 para makapag-raise ng funds para sa medication ng kanyang inang may cancer (4th stage), ang Songs For Mama na gaganapin sa Elements sa Centris, Quezon City.

Ito’y suportado ng mga kaibigan ni Marlo sa loob at labas ng showbiz maging ng kanyang mga co-artists sa Star Magic. Maaalalang ilang buwan na ang nakalilipas nang mag-post si Marlo ukol sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na ina sa social media na ikinagulat ng marami.

Kaya naman super work si Marlo para masuportahan ang mga kailangan ng kanyang ina para mas mapabilis ang paggaling. Sobrang close si Marlo sa kanyang ina kaya naman ramdam na ramdam namin ang lungkot nito sa pagkakasakit ng ina.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved