Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Alok ni Digong: P5-M patong sa ulo ni Ardot Parojinog
Alok ni Digong: P5-M patong sa ulo ni Ardot Parojinog

Alok ni Digong: P5-M patong sa ulo ni Ardot Parojinog

BILANG proteksiyon sa mga pulis ng Ozamiz City na ‘kinakalambreng’ resbakan, makaraang hugutin ang kanilang hepe na si Senior Inspector Jovie Espenido, nag-alok ng P5-milyong pabuya si Pangulong Duterte para sa ikadarakip ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.

READ MORE:  Bomba ni Lascañas ‘supot’ (Kredebilidad sumablay)

Si Ardot ay wanted noon pang 30 Hulyo 2017 makaraan makatakas nang salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay dahil sa pagtatago ng armas at illegal drugs.

Namatay sa nasabing police raid ang kapatid ni Ardot na si Mayor Reynaldo, asawa, at pinsan. Habang ang pamangkin niyang si Vice Mayor Nova Princess Parojinog ay kasalukuyang nasa kaloboso.

READ MORE:  Kandidatong ex-convict dadagsa sa barangay polls (DQ vs Erap pinamamadali sa Supreme Court)

Hindi nagustuhan ng Pangulo ang nakarating sa kanyang impormasyon na natatakot ang mga pulis sa Ozamiz na baka balikan sila ni Ardot sa paglisan ni Espenido bilang hepe dahil inilipat na sa Iloilo City.

READ MORE:  Checkpoint sinalpok ng kotse (2 parak, 3 pa sugatan)

Nagbabala si Duterte na magtatatalaga ng isang batalyong sundalo sa Ozamiz City upang makontrol ang siyudad sa pag-alis ni Espenido.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved