Saturday , April 27 2024

Coco Martin, mabusisi at magaling na director — Jeffrey Tam

IPINAHAYAG ng versatile na actor/comedian at award winning magician na si Jeffrey Tam na saludo siya kay Coco Martin. Ang ABS CBN star ang director ng pekikulang pinagbibidahan niya rin, ang Ang Panday na isa sa kalahok sa darating na Metro Manila Film festival.

Nabanggit din ni Jeffrey ang nararamdamang excitement sa kanilang pelikulang originally ay ginawa ni Da King na si FPJ.

“Lahat kami excited na for this MMFF, kasi alam ko na hindi kami pababayaan ng mga manonood, lalo na yung mga Ang Probinsyano supporters. Alam namin susuportahan nila si kuya Coco,” saad niya.

Dagdag pa ni Jeffrey, “Kaya ako saludo kay Kuya Coco at malaking pasasalamat talaga at kinuha ako ni kuya at hindi niya kami kinakalimutan. At dahil doon, ayaw namin siyang biguin kaya mas lalo ko pang pinag-iigihan ang trabaho sa pelikulang ito.

“Noon kasing nagte-taping kami para sa FPJ’s Ang Probinsyano, nabanggit sa amin ni Kuya Coco na kasali rin kami sa movie na ito. Kaya hayun, tinupad nga niya iyong sinabi niya.”

Anong klaseng director ba si Coco?

Sagot ni Jeffrey, “Si kuya Coco as director, mabusisi siya sa lahat ng shots niya, pakiramdam ko nga parang hindi niya first time mag-direk, kasi nakikita ko yung talagang passion niya for this film.

“Iba ang utak ng isang Coco Martin, masyadong malawak… kaya I’m sure kakaibang pelikula itong Ang Panday. Bale, kakampi po ako ni kuya Coco sa real world, isang grupo kami-kasama sina Long Mejia, Gene Padila at mga rapper ng fliptop tulad nila Smugglaz at Bassilyo. Etong movie ay very entertaining talaga lalo na at Pasko iyon, kumbaga ay pampamilya talaga ito.

“Kaya kailangang abangan ang movie na ito dahil talagang pinaghihirapan po ni kuya Coco at alam ko na hindi basta-basta ang kalalabasan ng movie na ito. Maaksiyon, kapupulutan ng aral, maganda ang kuwento nito at lahat ng edad, maging bata man o matanda ay puwede sa movie na ito. Tiyak na mag-eenjoy ang movie viewers dito.”

Si Jefrrey ay bahagi rin ng top rating TV series na FPJ’s Ang Probinsyano at dito niya nakita kung gaano kasipag at ka-focus si Coco sa trabaho. Si Coco rin kasi ang Creative Consultant dito.

ALAM MO NA! – Nonie v. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *