Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Novavos, ‘di raw nabayaran sa ginawang pelikula
Direk Novavos, ‘di raw nabayaran sa ginawang pelikula

Direk Novavos, ‘di raw nabayaran sa ginawang pelikula

NAGSUMBONG sa amin ang aming kaibigang si Direk Christopher Novavos. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya binabayaran ni Direk Byron Bryant sa utang nito kanya.

Ani Direk Novavos, kinuha siya nito bilang assistant director para sa pelikulang Sinandomeng at bilang isa ring production designer. Natapos at naipalabas na ang pelikula ay hindi siya nabayaran.

Sinabi pa ng director na sa tuwing ime-message niya si Direk Bryant sa Facebook ay nangangako na babayaran siya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ‘yun nangyayari.

At hindi na ito nagpaparamdam sa kanya. Ang cell phone nito ay hindi niya na rin makontrak, na baka nagpalit na ng number.

Bukod sa hindi siya nabayaran, nag-abono pa siya ng P31,726 para sa mga ginamit nila sa shooting.

Bukas ang pahina ng aming kolum sa ibibigay na paliwanag ni Direk Byron.

(ROMMEL PLACENTE)

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved