Saturday , April 27 2024

Rufino-Prieto mabubulok sa kulungan — Digong

MABUBULOK sa kulungan ang pamilya Rufino-Prieto sa kasong economic sabotage na isasampa laban sa kanila ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kagabi, no bail ang kasong economic sabotage na isasampa ng gobyero sa pamilya Rufino-Prieto sa pagtangging ibalik sa pamahalaan ang Mile Long property sa Makati City na ipinaupa lang sa kanila.

Nauna nang inihayag ng Pangulo na kapag isinoli ang Mile Long property ay ipagbibili niya ito para makapagpatayo ng pabahay para sa mga sundalo.

Napaulat na ang pagbatikos ng Pangulo sa mga Prieto ang naging sanhi kaya ibinenta ang pahayagan nilang Philippine Daily Inquirer kay Ramon Ang ng San Miguel Corporation.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *