Saturday , April 27 2024

Pangarap na bahay ni Kiray, naitayo na

NAKAPAGPATAYO na si Kiray Celis ng sariling bahay para sa kanya at sa pamilya niya pagkalipas ng ilang taon.

Sa tuwing makakausap namin si Kiray sa mga presscon ay lagi niyang binabanggit na maski na anong raket ay tatanggapin niya basta’t maayos at kaya niya.

At natupad na ang pangarap ni Kiray na magkaroon ng sariling bahay dahil noong Disyembre 2016 ay nabili niya ang lupang pagtitirikan ng bahay nila at sa parehong lugar din kung saan siya lumaki, sa Maynila.

Kuwento ng aktres, ”actually, December last year lang po ako nakabili ng lot, tapos February 2017 lang ipinatayo ang bahay namin na four story (apat na palapag) at nitong July lang po natapos. Buong buhay ko po, nagre-rent lang kami, tita Reggs.”

At take note Ateng Maricris, limang kuwarto ang bahay ni Kiray.

“Limang rooms po, lahat kaming magkakapatid ay may mga sariling kuwarto na po. Sa rating tinitirhan lang po kami nakabili, two streets away lang po kung saan kami nagre-rent. Dito na po kasi lumaki sina mama at papa ko po.

“Buong buhay ko naman po, nagwo-work na ako, sila (magulang) po nag-aayos ng pera ko, matagal na po kami gustong bumili, tapos ibinenta po sa amin ito (lupa), ito po nagustuhan nina papa at mama po,” say ng dalaga.

At ang matagal ng pangarap ng komedyana na magkaroon ng koleksiyon ng cartoon character na Spongebob ay natupad na rin.

Aniya, pitong taong gulang siya noong magustuhan niya si Spongebob kaya pangako niya sa sarili na kapag nagkaroon siya ng sariling kuwarto ay pupunuin niya ito ng imahe ng cartoon character.

Ano ba ang nagustuhan niya kay Spongebob? ”Ang kyoot niya kasi, ewan ko o, siya talaga favorite ko since ‘Goin’ Bulilit’ days pa po. Tapos nagtuloy-tuloy na, he, he, he,” mensahe ni Kiray sa amin.

At ipinost na nga ni Kiray ang kanyang magandang kuwarto na pawang Spongebob ang concept simula sa wall paper ng buong kuwarto, headboard ng kama, dresser, built-in cabinet, banyo, doormat, shower curtain, unan at sangkaterbang stuff toy.

Ang caption nga ng dalaga sa post niya, ”Nangarap, nagsikap, nagsipag.. NATUTUPAD PALA! Welcome to my room!”

Likas na masipag at mabait sa pamilya kaya naman pinagpapala si Kiray at kuwento niya ay may bago siyang serye kasama sina Robin Padilla at Jodi Sta. Maria sa ABS-CBN.

Nabanggit din niyang kasama niya si Janella Salvador sa isang project na hindi malinaw kung serye o pelikula.

At ang pag-iipunan na lang ni Kiray ay ang pambili ng isa pang van para sa pamilya niya para may magamit dahil ang una nilang sasakyan ay ginagamit niya sa trabaho.

Inalam din namin kung ano ang planong itayong business ng aktres, ”’yung first floor po ng bahay namin, pinaupahan po, sa 2nd, 3rd, at sa 4th floor po kami nakatira,” say ni Kiray.

Bongga ka Kiray, dalawang putok sa isang ibon dahil may sarili ka ng tirahan at the same time, ginawa mo pang business.

“Opo tita, magpaparami (mag-iipon) pa ulit ako ng pera kasi naubos na sa bahay, eh, salamat po, tita Reggs,” say ng dalaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *