Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / AFP kontra kaaway ng estado: Isang text lang kayo
AFP kontra kaaway ng estado: Isang text lang kayo

AFP kontra kaaway ng estado: Isang text lang kayo

ONE text away na lang ang pagbibigay ng impormasyon ng publiko sa militar kapag nakakita ng armadong grupo sa kanilang pamayanan.

Sa Mindanao Hour press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni AFP Spokesman B/ Gen. Restituto Padilla, mas mainam na mabantayan ang bawat sulok ng bansa, magtulungan ang bawat Filipino upang mapangalagaan ang “peace and order situation.”

Napakaliit aniya ang bilang ng mga pulis at sundalo kompara sa laki ng populasyon ng bansa na mahigit 100 milyon.

Mayroon lamang aniyang 125,000 sundalo at 175,000 pulis, at wala pa itong 10 porsiyento ng populasyon.

“Mas mainam nating mababantayan ang bawat sulok ng ating kapuluan kung ang lahat ng Filipino ay nagtutulungan. Kasi ito po ay base sa prinsipyo ng pagkakaroon nang mas maraming nagmamatyag, kasi ang bilang po ng pulis at sundalo ay napakalimitado. We only have about 125,000 strong Armed Forces and a 175,000 strong police, so that’s not even 10 percent of the population—that’s not even 10 percent of the population, because the population is at over a hundred million,” ani Padilla.

Naglagay aniya ng text hotline ang AFP para sa Mindanao upang magamit ng mamamayan sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa kaaway ng estado at pagsusumbong din sa pang-aabuso ng militar.

READ MORE:  Aquino humarap sa Dengvaxia probe sa senado (Pagbili ng Dengvaxia idinepensa)
READ MORE:  ‘Judiciary fixer’ inilaglag ng Palasyo (Stepfather ng kontrobersiyal na apong debutante)

“Kasi mariin po nating ipinagbabawal na maging abusado lahat ng sundalo, dahil kami po ay inyong tagapagtanggol. Kaya’t kung hindi namin ginagampanan ang aming trabaho, kinakailangan ho nating malaman iyan at mai-report kaagad nang sa ganoon maging accountable ang mga tauhan nito. So ito po ang AFP text hotline para sa smart. Ang numero pong gagamitin ninyo ay 74441678. So nakuha na po ninyo ito dati. At ang ite-text n’yo po ay capital letters AFP space location or info na gusto ninyong iparating po sa atin at i-text n’yo po sa numero na iyon. Para naman sa Globe po, i-text n’yo po ang bilang na 26563. At ilagay n’yo po ang lokasyon at impormasyon na nais n’yo pong matugunan ng ating Hukbong Sandatahan. So ito po iyong mga numero na kasalukuyang nakatalaga at makukuha po ito direkta ng ating mga operation center hotline sa Mindanao. Mindanao lang po muna ito, kasi meron po tayong ipinatutupad na martial law. At kung ano man po ang ipaparating n’yo diyan sa mga hotline na iyan ay tutugunan po natin sa madaling panahon,” dagdag niya.

READ MORE:  MMDA ‘Schizophrenic’ – Poe

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved