Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / After 100 weeks episodes… Marami pang pasabog sa book 2 ng “FPJ’s Ang Probinsyano”
After 100 weeks episodes… Marami pang pasabog sa book 2 ng “FPJ’s Ang Probinsyano”

After 100 weeks episodes… Marami pang pasabog sa book 2 ng “FPJ’s Ang Probinsyano”

SA malaking venue ng Le Reve Events Place sa Kyusi idinaos ang presscon para sa 100 weeks ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ere. At sa laki at dami ng cast ng nasabing no.1 primetime series ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na pinangungunahan ng Hari ng Telebisyon at Pelikula na si Coco Martin ay ginawang tatlong batch ang presscon para makilala sila ng mga imbitadong entertainment writers at bloggers.

Unang isinalang ang pamilya ni Coco sa serye na sina Ms. Susan Roces, Yassi Pressman, Awra Briguela at ang mga baguhang child star na sina Paquito, Ligaya at Dang na na-discover ni Coco sa Cebu at bini-build up ng Dreamscape. Present rin ang supporting cast na kinabibilangan nina Maya Valdez, Long Mejia, Marvin Yap, Benj Manalo, Jeffrey Tam, PJ Endrinal atbp.

Agad pinasalamatan ni Coco ang members ng media sa ginawang suporta para umabot sila nang ganito katagal na sa susunod na buwan ay dalawang taon nang umeere at ang FPJAP ngayon ay nasa Book 2 na.

Sinabi rin ni Cardo (Coco), Ang Probinsyano, ang pinakamatagal niyang nagawang teleserye sa Dreamscape na nanganak nang nanganak na ang cast.

Nagpakuwela naman si Long sa mga sagot niya sa tanong ng press lalo sa eksena raw sa serye na dahil aampunin na ni Cardo si Paquito e kailangan patayin na ang karakter niya bilang Paco. Nagtawanan ang lahat dahil kakakuha lang daw siya ng kotseng hulugan at nakiusap siya kay Coco na huwag siyang isama sa Pulang Araw at baka doon na siya mapatay.

Pero labis-labis ang pasasalamat niya sa bidang aktor at kinuha siya para mapasama sa AP, at mas hagikgikan pa ang lahat nang biglang buwelta sa katabing si PJ (actor na anak ng Business Unit Head ng Dreamscape na si sir Deo Endrinal) dapat daw ay sa kanya siya dumidikit dahil diamante at hindi siya mawawala sa palabas.

READ MORE:  Juan dela Cruz’, Philippines’ No. 1 show sa buwan ng Agosto

Lahat sila ay pinupuri ang kabaitan at suporta ni Coco sa kanila. Ito namang si Yassi, very thankful at napasama siya sa cast at aminado ang magandang aktres na malaki ang naitulong ng Ang Probinsyano na bumuhos ang suwerte sa kanyang career.

At dahil wife siya ni Coco rito ay tinanong si Yassi sa sweetness nila ng katambal na actor? Ayon sa actress, wala raw dapat pag-usapan tungkol dito dahil wala naman daw talaga at hindi rin naman daw nanliligaw sa kanya si Cardo. Saka paano pa raw siya magkakaroon ng time e sobrang busy nga niya sa taping at shooting ng movie niya sa Viva.

Pinuri rin ni Yassi si Ms. Susan sa ginawang pag-aalaga sa kanila sa set ba binubusog raw sila ng Iba’t ibang pagkain. Nang tawagin ang 2nd batch at third batch ng cast ay sinamahan rin sila ni Coco at dito na ipinakilala ang bagong Kapamilya star na si Aljur Abrenica na nang mabalitaan ni Coco na papasok na sa Kapamilya ay agad raw ini-request ng actor sa management na sa kanila muna sa Ang Probinsya mag-guest si Aljur.

Paliwanag niya, nagkita raw sila noon ni Aljur sa isang gym at magaan agad ang loob niya rito. Nagkuwento si Aljur ng kanyang magiging karakter sa serye, at nag-explain kung bakit kailangan niyang maghubad at sumakay sa kabayo?

“May-ari po kasi kami ng isang quarry. Ang tatay ko po ay si Mr. Jestoni Alarcon. ‘Yung kabayo na ‘yon, ang pamilya kasi namin, mahilig sa mga kabayo, ginagamit ko siyang pangronda sa quarry namin. Nagbabantay ako ng mga tao roon, sinisiguro ko kung ginagawa nila ‘yung mga kailangan.”

Pagdating naman sa acting na laging isyu sa press ay tinanong si sir Deo sa presscon kung pinag-acting workshop ba muna nila si Aljur bago isalang sa taping.

READ MORE:  Maja, hindi mapapagod ma-in-love

“Actually, hindi na kailangan kasi marunong siya, may alam naman. Nasa tamang handling lang ‘yan kung paano mo mapapaarte and so far, okay si Aljur, walang problema sa kanya,” pagtatanggol ng top executive ng Dos.

Samantala, nagpost si Aljur sa kanyang Instagram account ng kanyang pasasalamat sa ABS-CBN at Dreamscape at kasiyahan nitong makatrabaho si Coco, “I’ve always been a fan of yours (Coco Martin). Excited to be working with you,” kabuuan ng maikling post niya.

Naku, kung kay Coco at Lito Lapid ay hindi na makaalagwa sa ratings ang katapat na show, what more ngayong parte na ng cast si Machete (Aljur) at iba pang bagong papasok na character.

And after ng 100 weeks celebration ng serye, tiniyak ni Coco na ngayon pa lang magsisimula ang mas seryosong kuwento sa kanilang bagong libro bunga ng pagkamatay ng anak nila ni Yassi na si Ricky Boy. May bago na ring pangalan si Cardo dito bilang Fernan at tinawag na Aguila ni Dante Rivero dahil sa pagliligtas nito sa kanilang grupo na Pulang Araw. Samantala last August 4(Friday) ay nakamit uli ng Ang Probinsyano ang 40.6 per- cent mark sa nationwide rating at 42.8% naman base sa datos ng Kantar Media. Napapanood sila gabi-gabi pagkata- pos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

MGA BIDA NG “IKAW LANG
ANG IIBIGIN” NA SINA KIM
AT GERALD KINAKARIR
ANG PAGIGING TRIATHLETES

Dating sporty ang pangunahing actor ng top-rating daytime series na “Ikaw Lang Ang Iibigin” na si Gerald Anderson na akmang-akmang ang karakter sa soap bilang triathlete na si Gabriel. At sumusunod na rin kay Gie, ang orihinal na loveteam at leading lady sa ILAI na si Kim Chiu (Bianca) na nahihilig na rin sa iba’t ibang sports tulad ng triathlon.

Yes kinakarir na rin ni Kim, maging ang pagtakbo at madalas ay wagi ang mahusay na Kapamilya actress sa fun run. Sasabak na rin ang Kimerald lovetem sa taunang Ironman Thriathlon sa Cebu at isa sa makakasama nila sa competition ang co-star nila sa morning serye na si Jake Cuenca.

READ MORE:  Jessie J, special guest sa concert ni KZ Tandingan?

Para naman sa viewers nila sa Ikaw Lang Ang Iibigin, mas pakatutukan ninyo ang mga susunod na episodes at siguradong mas mararamdaman ninyo ang pinagdaraanan ng karakter ni Gerald at ng inang si Victoria (Ayen Munji-Laurel) na ngayo’y nakararanas ng matinding pagmamaltrato sa kamay ng mayamang negosiyanteng husband na si Roman (Michael de Mesa).

Hindi lang ang dalawa ang makatitikim ng paghihiganti ni Roman sa kasinungalingan ni Victoria kundi ang dati rin nitong nakarelasyon na si Rigor (Daniel Fernando). Mapatay kaya ni Roman si Rigor?

‘Yan at ang iba pang mga kapana-panabik na eksena ang dapat ninyong abangan sa Ikaw Lang Ang Iibigin, na napapanood tuwing 11:30 ng umaga sa ABS-CBN Prime Tanghali pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters.

AWRA BRIGUELA
TAGUMPAY SA PAGBIBIDA
SA WANSAPANATAYM

Mataas na naman ang rating kahapon ng “Amazing Ving” ni Awra Briguela na bagong featured fantasy story sa Wansapanataym ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment. Dahil kaya na ni Awra na makakuha ng 30 percent pataas na rank aba’y tagumpay ang breakthrough child actor sa unang attempt na pagbibida sa dekada ng no.1 fantasy series ng Dos.

Tama ang naging desisyon ng Dreamscape na siya ang gawing title roler sa show. Samantala dapat paghandaan na ni Reptilya (Bianca Manalo) ang pagdating ni Amazing Ving (Awra) na pipigil at kakalos sa paghahasik niya ng kasamaan sa mga inosenteng tao.

Napapanood ang Amazing Ving tuwing Sunday at siguradong mas kaaaliwan pa ninyo ang kanilang next episodes na lilipad na sa ere, si Amazing Ving.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved