Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mas mabigat na parusa vs ospital aprub kay Digong (Kung tatanggi sa pasyente)
Mas mabigat na parusa vs ospital aprub kay Digong (Kung tatanggi sa pasyente)

Mas mabigat na parusa vs ospital aprub kay Digong (Kung tatanggi sa pasyente)

NILAGDAAN bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na naglalayong magpataw ng mas mabigat na parusa sa mga ospital at clinic na tatanggi sa pasyente sa emergency o serious cases dahil walang maibigay na deposito.

Sa ilalim ng Republic Act 10392, bilang amiyenda sa Anti-Hospital Deposit Law, ipagbabawal sa hospital o clinic na mag-request, mag-solicit, mag-demand o tumanggap ng ano mang deposito o ibang porma ng advance payment bilang “pre-requisite” bago lapatan ng lunas ang sino mang pasyente.

READ MORE:  Hihirit nang sobra-sobrang pondo sa 2016 parusahan (Isinulong ng minorya sa Kamara)

Sa RA 10392, itinaas ang multa laban sa sino mang practitioner o empleyado ng ospital o medical clinic, na lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law, sa P100,000 ngunit hindi lalagpas nang P300,000.

Noon, sa ilalim ng Batas Pambansa Bilang 702, inamiyendahan ng RA 8344, ang multa sa katulad na paglabag ay mula P20,000 hanggang P100,000.

READ MORE:  Utak sa Enzo Pastor slay arestado

Kapag napatunayang nilabag ang batas dahil sa polisiya ng ospital, ang director o opisyal ng ospital o clinic na responsable sa pagbubuo at pagpapatupad ng katulad na polisiya ay pagmumultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon. Sa dating batas, ang multa ay itinakda lamang sa P100,000 hanggang P500,000.

Ang hukom ay may opsiyon din na patawan ang lalabag ng parusang pagkabilanggo.

READ MORE:  Fare hike sinalubong ng protesta

Maaari rin bawiin ang lisensiya ng ospital o clinic kung nilabag nang tatlong beses ang nasabing batas.

“The president, chairman, board of directors, or trustees and other officers of the health facility shall be solidarily liable for damages that may be awarded by the court to the patient-complainant,” nakasaad sa nasabing batas.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved