Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aljur Abrenica isinalang agad bilang Miguel sa bagong libro ng FPJ’s Ang Probinsyano (Sa pagpasok sa Kapamilya network)
Aljur Abrenica isinalang agad bilang Miguel sa bagong libro ng FPJ’s Ang Probinsyano (Sa pagpasok sa Kapamilya network)

Aljur Abrenica isinalang agad bilang Miguel sa bagong libro ng FPJ’s Ang Probinsyano (Sa pagpasok sa Kapamilya network)

MATAPOS mai-post ng AdProm Manager ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut sa kanyang FB account ang pagbisita kamakailan ni Aljur Abrenica kasama ni Mr. Jon Ilagan (tumutulong ngayon sa career ng hunk actor) sa mga bossing ng ABS-CBN na sina Ma’am Cory Vidanes, Direk Laurenti Dyogi at Dreamscape Business Unit Head na si Sir Deo Endrinal, agad isinalang ang dating Kapuso actor sa #1 action drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Pro-binsyano.”

Gagampan niya ang karakter ni Miguel. At agaw pansin agad ang series of photos ni Aljur na nakahubad habang sakay ng kabayo at may kuha na binibigyan siya ng instruction ng director ng primetime TV series ng Dreamscape na si Direk Malu Sevilla. Ibig sabihin official ng Kapamilya star si Aljur na sabi ay lalabas din sa ibang programa ng ABS-CBN para mag-promote ng appearance niya sa Ang Probinsyano.

Hindi malayong bibida rin si Aljur sa upcoming teleserye ng Dreamscape. Sa kanyang instagram account ay nagpahayag ng suporta si Kylie Padilla sa bagong journey ng kanyang husband to be at father ng kanyang first baby.

READ MORE:  Ai Ai at Kris, pinagtitiyap ng kapalaran

Welcome to Kapamilya network AA.

AMAZING VING NI AWRA
BRIGUELA UMAWRA
SA HIGHEST RATING NA 32.2%

Tama kami sa aming vibes na aabot hanggang 30% pataas ang magiging ratings ng bagong magical story sa Wansapanataym Presents na “Amazing Ving.”

Last Sunday sa episode ng Amazing Ving ni Awra Briguela ay umawra sila sa rating na 32.2%. Iniwan nila nang milya-milya ang katapat na show sa kabilang network na “Daig Kayo ng Lola Ko” na nakakuha ng rating na 16.7%.

Sa kanyang FB at Instagram account, agad nagpasalamat ang isa sa lead stars ng AV na si Carmi Martin sa lahat ng viewers na sumusuporta sa episode nila ni Roderick Paulate at Awra at iba pang co-stars sa show na idinirek ni Alan Chanliongco.

Abangan this Sunday (Aug 6) at ipagkakaloob na ni Super Bing (Ellen Adarna) ang kapangyarihan kay Ving (Awra) para labanan ang reyna ng kasamaan na si Reptilya (Bianca Manalo) na nagtatago sa anyo ng normal na tao na si Krising. Ito, ang wish ng nanay ni Ving na si Safronia (Carmi) ang magkaroon ng powers ang anak para kapag naging super hero ay maipagtanggol ang mga inaapi.

READ MORE:  Movie nina Piolo at Shaina, isinikreto

Exciting to watch ‘di ba?

“IKAW LANG ANG IIBIGIN”
NANGUNGUNA AT PATULOY
NA TINATANGKILIK
Gabriel (Gerald Anderson)
pamilya ang sandigan
laban sa hamon ng buhay

Pamilya ang pagmumulan ng lakas ni Gabriel (Gerald Anderson) upang lumaban sa buhay sa patuloy na pagpapahirap sa kanyang buhay ni Carlos (Jake Cuenca) at ng ama nitong si Roman (Michael De Mesa) ngayong naisiwalat na ang lihim na bunga siya ng panloloko ni Victoria (Ayen Munji-Laurel) sa Kapamilya morning series na “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Sunod-sunod na nga ang dagok na nararanasan ni Gabriel matapos siyang sampahan ng kaso ni Roman, na naging dahilan ng pagkakatanggal niya sa unibersidad, nang magpumilit pumasok sa kanilang tirahan at iligtas si Victoria.

Dagdag rito, ang pagkakaalis niya bilang endorser ng Tiger Shark dahil naman sa mas lumalalim nilang awayan ni Carlos. Ngunit habang sinusubok siya ng tadhana, isang magandang balita ang tutulong sa kanyang pamilya umahon mula sa mga pagsubok sa pag-aalok sa kanya ng kalabang kompanya ng Tiger Shark bilang bago nitong endorser sa tulong ni Isabel (Coleen Garcia).

READ MORE:  Rochelle and Jimwell, bagong business ang Skinfrolic by BeauteDerm

Patuloy din niyang magiging sandalan si Bianca (Kim Chiu) ngayong mas tumitibay pa ang kanilang relasyon sa kabila nang hirap sa buhay. Ano na nga kaya ang magiging kapalaran ni Gabriel sa kamay nina Carlos at Roman? Paano nga kaya malalampasan ng kanilang pamilya a ng pag-hihirap na kanilang dinaranas?

Maapektohan kaya nito ang pagmamahalan nila ni Bianca? Samantala, patuloy ang pangunguna ng “Ikaw Lang ang Iibigin” sa umaga. Nitong Lunes (July 31) nagkamit ang serye ng national TV rating na 15.9% base sa datos ng Kantar Media.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang “Ikaw Lang ang Iibigin” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved