Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Indie film actress, ‘di mabubuhay ng walang hawak na salamin
Indie film actress, ‘di mabubuhay ng walang hawak na salamin

Indie film actress, ‘di mabubuhay ng walang hawak na salamin

BANIDOSA nga lang kaya ang mahusay na indie film actress na ito?

Ang kuwento, bago pala siya isalang para sa shooting ng ginagawa niyang pelikula, naging habit na niyang magbaon ng maraming salamin sa mukha na nakapalibot sa kanya.

“Nagti-trip yata ang hitad! Imagine, kakausapin siya kunwari ng co-star niya, ‘Day, hindi niya ‘yon kakausapin ng nakaharap. Ang kinakausap niya, eh, ‘yung mirror na nasa harapan niya! O, ‘di ba, karakter ang lola mo?”

Dagdag pang tsika ng aming source, sa tuwing magmememorya ng linya ang aktres ay hindi script ang tangan-tangan kundi ang mahiwaga pa rin niyang salamin. ”’Di ba, kapag nagme-memorize ng lines ang isang artista, dapat, eh, script ang hawak-hawak niya? Ang lola mo, kakaiba! Consistent pa rin siya sa kanyang hand prop na salamin niya, at nagdadayalog siya sa harap ng mirror, mirror na ‘yon na hindi naman on the wall!”

READ MORE:  Inah Estrada, expected nang ikokompara sa mga magulang na sina Janice at John (Miles, Inah, at Alyanna, bibida sa bagong Wansapanataym special)
READ MORE:  Nora Aunor, may matitirahan na dahil sa ADD

Da who ang aktres na ito na hindi mabubuhay nang walang salamin sa kanyang paligid? Itago na lang natin siya sa alyas na Fides Cabrera.

READ MORE:  Visayan indie film, ‘di totoong ginaya ng The Greatest Love

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved