Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / GRP-NDF peace talks ‘di tuluyang ibabasura ni digong — Bello (Reelection ng Norway PM apektado)

GRP-NDF peace talks ‘di tuluyang ibabasura ni digong — Bello (Reelection ng Norway PM apektado)

ANG pagpapatuloy ng peace talks ng gobyernong Duterte at National Democratic Front (NDF) ay maaaring magresulta sa reelection ni Erna Solberg, bilang prime minister ng Norway sa Setyembre.

Sinabi ni Labor Secretary at government peace panel chief Silvestre Bello III, umaasa si-yang hindi itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbasura sa peace talks sa kilusang komunista dahil posibleng maging isyu ito sa kandidatura ni Solberg bilang third party facilitator ang Norway.

READ MORE:  2 ampon na paslit nalitson sa Cebu fire

Malaki na aniya ang nagagasta ng Norway sa pag-agapay sa Filipinas na matuldukan ang armadong tunggalian ng pa-mahalaan at CPP-NPA-NDF.

Inilahad ni Bello, sa ilang beses na pagkansela sa formal at backchannel talks ay naaksaya ang pondo ng Norway dahil sagot nito ang lahat ng gastos ng GRP at NDF panel members mula plane ticket at accommodation nang mahigit 50 kataong lumalahok sa usapang ginaganap sa Norway at sa The Ne-therlands.

READ MORE:  86-anyos chinese architect kinatay ng akyat-bahay

Naniniwala si Bello na malalim ang pagkakaibi-gan nina Pangulong Rodrigo Duterte at CPP founding chairman Jose Ma. Sison at ang ‘banatan’ nila o palitan ng maaanghang na salita ay pansamantala lang at hindi kayang buwagin nang ganoon na lang.

READ MORE:  Oca ‘di na magigiba (Sabi ng political analyst, 280,000 votes lamang sa 4 survey)

Inamin ni Bello, nang tambangan ng NPA ang mga kagawad ng PSG sa Arakan, North Cotabato ay sinita niya si NDF pa-nel chief Fidel Agcaoili ngunit nagulat ang communist leader sa ibinalita niya at hindi na nagpaliwanag pa.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved