Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Seguridad sa SONA hinigpitan (Kasunod ng NPA attacks)
Seguridad sa SONA hinigpitan (Kasunod ng NPA attacks)

Seguridad sa SONA hinigpitan (Kasunod ng NPA attacks)

HINIGPITAN ng pulisya at militar ang seguridad para sa pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng mga pag-atake ng rebeldeng komunista, ayon sa pulisya kahapon.

Ipinabatid na ng mga awtoridad ang security protocol sa activist groups na magpoprotesta sa SONA, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde.

READ MORE:  Magnanakaw na politiko ‘wag iboto – Miriam (Payo sa kabataan)

“Nakiusap din po tayo na on their ranks, kailangan po nilang bantayan kasi baka malusutan tayo,” pahayag ni Albayalde.

“Alam naman po natin ngayon na nagkaproblema sa peace talks at may problema tayo sa CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Phi-lippines-New People’s Army-National Democratic Front) kaya kaila-ngan po talagang mahigpit ang pagbabantay natin sa kanilang hanay.”

READ MORE:  2 binatilyo, 4 pa tiklo sa drug raid (P1-M shabu nakompiska)



Gayonman, inilinaw ni Albayalde, na walang na-monitor na ano mang banta sa SONA ang intelligence units.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte, nagpasya siyang abandonahin ang peace negotiations sa NDF makaraan atakehin ng mga NPA ang mga tropa ng pamahalaan sa mga lalawigan.

READ MORE:  School field trips pinayagan na ng DepEd (Moratorium inalis)

Bunsod nito, 6,300 pulis at 300 sundalo ang ini-deploy para sa seguridad ng SONA, mahigit pa sa 4,000 strong contingent nitong nakaraang taon, ayon kay Albayalde.

Gayonman, pahihintulutan ang mga kritiko ng administrasyon na maglunsad ng protesta.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved