Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pagiging walang puso ni Sylvia, ipakikita sa ‘Nay
Pagiging walang puso ni Sylvia, ipakikita sa ‘Nay

Pagiging walang puso ni Sylvia, ipakikita sa ‘Nay

“KUNG sa ‘The Greatest Love’, punumpuno ako ng pagmamahal at pang-unawa, rito sa ‘Nay’, wala akong puso, hindi ko alam paano magmahal,” ito ang sabi niSylvia Sanchez habang kausap namin siya.

Sa wakas ang Cinema One Originals indie movie na may titulong ‘Nay ay magsu-shoot na sa ikatlong linggo ng Agosto mula sa direksiyon ni Kip Oebanda na nakilala sa mga pelikulang Tumbang Preso, 2014; Bar Boys (2016); at Justine Barber (2014).

READ MORE:  My Little Bossings, tiyak na mangunguna sa MMFF 2013

Tinanggap ni Ibyang ang ‘Nay dahil ang ganda-ganda ng kuwento.


“Ang ganda ng istorya, Reggee, ang ganda ng script kaya talagang umoo ako. Sabi ko nga, kung sa ‘TGL’, sobra-sobra ang pagmamahal ko sa lahat, dito sa ‘‘Nay’, wala, parang galit ako sa mundo. Hindi ko puwedeng ikuwento sa’ yo,” masayang tinig ni Sylvia sa kabilang linya.

READ MORE:  Badjao Girl at Carrot Man, bagay na loveteam

Makakasama ng aktres si Enchong Dee at si Jameson Blake ng Pinoy Big Brother 737 at miyembro ng Hashtags.

Kuwento naman sa amin ng taga-Cinema One Originals, dumaan sa go-see ang lahat ng artista sa isang project at ang dalawang aktor na kasama ni Ibyang ang nakapasa.

READ MORE:  Beking komedyante, isinumpa at inayawan ng mga show promoter

Intriguing ang poster ng ‘Nay kaya tinanong namin kung horror ito at inamin naman ng aktres, suspence horror.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved