Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sexual assault na lang at hindi rape ang kaso ni Noven Belleza
Sexual assault na lang at hindi rape ang kaso ni Noven Belleza

Sexual assault na lang at hindi rape ang kaso ni Noven Belleza

 

NA-STRESS nang todo-todo ang singer na si Noven Belleza kaya naospital. Pero nang maibaba sa kasong sexual assault ang kasong isinampa sa kanya, bigla siyang gumaling at nakalabas ng ospital as of press time.

Ang sabi, hindi naman daw talaga na-rape ang biktima kundi she was molested only without actual penetration. Ito ay pagkatapos suriin ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang mga proof of evidence na inihain ng biktima.

READ MORE:  Birdshot, Patay na si Hesus at 100 Tula, binigyang pagkilala

As we all know, bailable ang sexual assault unlike sa rape na walang piyansang ipinahihintulot ang batas.

Based from the report of inquirer.net, pinatawan ng P120,000 piyansa si Noven.

Nakalabas na rin ang “Tawag ng Tanghalan” grand champion mula sa kanyang hospital arrest ngayong Miyerkoles, July 19.

Kapag umusad na raw ang kaso, that will be the time when they would answer all of the questions in court.

READ MORE:  Jen, iginiit, wala silang planong pakasal ni Dennis

“We will answer everything during court trial,” Atty. Leilani Villarino, Noven’s lawyer intimates.

“What is important now is he will be able to post bail.

“For now, he enjoys the presumption of innocence.”

Matatandaang inaresto ng Mabolo police officers si Noven right after the concert of Vice Ganda early morning of Sunday, July 16.

READ MORE:  Joyce Bernal, nag-ocular na sa Batasang Pambansa para sa SONA ni Pangulong Duterte

Base ito sa bintang na ginahasa raw ni Noven ang isang 19-year-old local performer na kapanabayan niya noon sa It’s Showtime.

Sa isang hiwalay na panayam ay nagpaunlak naman ang isang close friend ng biktima at sinabi nito in great detail ang ginawa supposedly ni Noven based on his relative’s narrative who is the boyfriend of the ‘victim.’

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved