Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Markadong tulak utas sa buy-bust

Markadong tulak utas sa buy-bust

BITBIT nang pinagsanib-puwersa nina MPD PS3 Supt. Arnold Tom Ibay, MPD DSOU Supt. Jhay Dimaandal, at mga operatiba ng PDEA ang 80 kalalakihan na naaresto sa One Time Big Time operation sa Arlegui St., Quiapo, Maynila, kabilang ang tatlong hinihinalang miyembro ng teroristang Maute sa Marawi City. (BRIAN GEM BILASANO)

BUMULAGTANG walang buhay ang isang 30-anyos lalaking sinasabing notoryus na tulak ng ilegal na droga, makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang suspek na si Ronel Langcuyan alyas Hapon, 30, kabilang sa talaan ng drug watchlist ng pulisya, at re-sidente sa Bilbao St., Tondo.

Ayon kay MPD Station 2 commander, Supt. Santiago Pascual lll, dakong 8:40 pm nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation sa Bilbao St.

“Tang-na Pulis ka!” Sigaw ng suspek sa kalagitnaan ng transaksiyon at pinaputukan ang poseur buyer.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

(BRIAN GEM BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved