Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, mas gusto na ng matured roles
Sarah, mas gusto na ng matured roles

Sarah, mas gusto na ng matured roles

HINDI maitatangging maligaya ngayon ang lovelife ni Sarah Geronimo. Kaya naman naikakabit ito sa kasalukuyan niyang pelikula, ang Finally Found Someone.

Si Matteo Guidicelli na nga ba ang sinasabing someone na nakakapagpaligaya sa kanya?

“For me, happiness is a choice. Life will never be perfect. Maraming troubles, kahit sobra na tayong blessed, sobra na tayong privileged as in more than enough na ang ibinibigay sa atin ng Panginoon, pero still, marami pa rin tayong hinahanap sa puso natin.

“So, kaya ko nasabi po na happiness is a choice. Kasi you have to count your blessings, tingnan mo ‘yung mga mahal mo sa buhay na nandiyan, buhay, nakakasama mo at sinasabi ko nga, life is too short.

READ MORE:  Luis at Jennylyn, hiwalay na (Dahil daw sa matinding pagtatalo)

“Actually, parang naging mantra ko siya na life is too short para hindi ka pa maging honest sa isang tao. Kasi hindi mo alam kung kailan mawawala ‘yung tao na ‘yun. Di ba kasi, life is fleeting? So, ‘pag kaharap mo na siya or everytime you’re with that person, make that person feel loved,” mahabang paliwanag ng dalaga.

Nang muling tanungin si Sarah kung nahanap na ba niya ang someone na nagpapaligaya sa kanya, sinabi nitong, ”I guess sa lahat naman. . . ako, siyempre, you only wish for the best, pray for the best and you can only do so much pero si Lord pa rin ang magte-take over at the end of the day.”

READ MORE:  Kathryn, feeling beautiful ‘pag darating sa set

Ukol naman sa kanilang tambalan ni John Lloyd Cruz, blessing at isang napakagandang gift na itinuturing iyon ni Sarah. Kakaiba kasi talaga ang chemistry nila dagdag pa ang napakagandang pagtanggap ng mga tao sa loveteam nila.

Bale pang-apat na pelikula na nila itong Finally Found Someone at ang naunang tatlo ay pawang blockbuster lahat sa takilya.

Ani Sarah, iba talaga ang connection nila ng aktor. ” Basta kakaiba, eh, kakaiba po siya. Sabi nga, it’s a gift, (‘yung) chemistry, it’s a gift.

“At gift para sa mga tao po siguro, hindi lang para po sa amin, kasi we’re blessed na talagang binigyan kami ng ganitong klaseng tandem or connection na nakakapagbigay ng happiness as in nagugulat na lang ako dahil napapasaya namin nang husto ‘yung mga tao.

READ MORE:  Kinabog daw ni Vice Chakah si Maine Mendoza

“So, I wonder kung bakit ganoon. Basta kung anuman ‘yun, thank you Lord. And thank you sa mga naniniwala po sa tandem namin until now. Ang Viva, ang Star Cinema at sa lahat ng mga tumatangkilik ng tambalan namin.”

Aminado rin si Sarah na mas gusto na niya ng mature na roles. ”’Yun pong lumihis sa romcom, pero ang ganda ng istorya, relatable rin sa akin, hindi siya mababaw.”

Showing na ang Finally Found Someone sa July 26 na idinirehe ni Theodore Boborol.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved