Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kuya Boy, walang alam sa pagbabalik-Kapamilya ni Kris
Kuya Boy, walang alam sa pagbabalik-Kapamilya ni Kris

Kuya Boy, walang alam sa pagbabalik-Kapamilya ni Kris

 

SA interview kay Boy Abunda ng Pep.ph, sinabi niya na wala siyang alam sa nangyayari ngayon sa career ng matalik niyang kaibigang si Kris Aquino. Hindi rin niya alam kung totoong magbabalik-telebisyon na si Kris.

“I don’t know. Kris is doing so well with her digital platform, I really don’t know,” sabi ni Boy.

READ MORE:  Matinggerang aktres, napahiya nang komprontahin ng ninakawang aktres

Kamakailan ay may lumabas na balitang may negosasyong nagaganap kay Kris at sa isang network. Kasabay nito ay ang bali-balitang baka bumalik sa ABS-CBN si Kris.

Pero ayon kay Boy, wala rin siyang alam tungkol dito, “I really don’t know.”

Pero dagdag niya, “Everything is possible. Sa akin, for somebody as big and as talented as Kris, everything is possible.”

READ MORE:  Kris, tinatalo na nga ba ni Pia sa paramihan ng endorsement?

Pero kung siya ang masusunod, gusto niya bang maging Kapamilya ulit si Kris?

“No!” mabilis na sagot niya.

“Kung ako ang masusunod, I want her to follow her heart. I mean, only Kris knows what’s best for her. I will support what she does, but I am not in a position to tell her where she’ll go. Alam ni Kris kung saan siya nararapat, and that girl knows what she deserves and how to get there. Huwag tayong magkunwari na nagdunong-dunungan at mas marami pa tayong alam kaysa kanya. That girl is brilliant.”

READ MORE:  Marian, magtatrabaho pa rin kahit buntis na

MA at PA – Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved